Quantcast
Channel: tuyong tinta ng bolpen
Viewing all 63 articles
Browse latest View live

Sayop

$
0
0

"Dati pulubi ka lang, ngayon magnanakaw ka na!" sigaw ng tiyahin ko habang nagbubukas ng tindahan.

"Hindi naman talaga ako ang kumuha ng pera. Sawa na akong magpaliwanag. Bakit hindi mo tanungin ang mga anak mo?! Hindi na mabilang kung ilang beses akong pinagbintangan sa mga bagay na alam naman niyang mga anak niya ang gumawa.

"Sinasabi ko na nga ba walang mangyayari sa pag-ampon ko sa'yo. Iyang tatay mo kasi mapilit. Wala kang kwenta tulad ng nanay mong puta!"

"Tama na! Tama na!"


Mahirap talagang kalaban ang katotohanan. Kahit wala kang ginagawang kasalanan ibabalik sa'yo ang mapait na nakaraan. Mahirap lumaki sa anino ng pagkakamali. Kung may pupuntahan lamang ako malabong magtiis ako dito.



Bukas siyam na taon na mula ng inilipat si tatay mula city jail papuntang Muntinlupa. Hindi ko na siya nadalaw mula noon. Swerte ngang magkalaman ang bulsa ko kaya kahit sulat ay hindi ko magawa. Kaya ang kasalanan ang aking mga magulang ay siyam na taon na ding bangungot sa akin. Daig ko pa ang ulila.

"Malandi naman talaga ang nanay mo. Baka nga sa ibang lalaki ka niya. Siguro sinambot lang ng kapatid ko ang pagbubuntis ng nanay mo! Magnanakaw ka e. Wala naman sa lahi namin 'yon."
"Huwag na sanang madamay ang magulang ko dito! Hindi ako nagnakaw ng kahit ano!"

"Kaya siya napatay ng kapatid ko 'di ba? Sa sariling bahay pa kumati."


Noong una kaya ko. Natitiis ko. Dadalaw lang ako sa city jail mauunawaan ko na lahat. Ipapaliwanag lamang sa akin ni tatay na kailangan kong magtiis at maghintay sa muli niyang pagbalik. Sumunod lamang ako kahit hindi ko naiintindihan.

"Wala akong ginagawang masama sa inyo. Nasusuklian ko ang pagkupkop ninyo sa akin."

"Bastos ka! Nangangatwiran ka talaga! Manang mana ka sa--"
Sa paglubog ng araw iba na ang takbo lahat. Hindi na ako binubulyawan ng aking tiyahin. Sana noon ko pa ginawa.
"Kaso mo?" wika ng isang bilanggo sa city jail.

"Murder," maikling sagot ko..

"Mabigat 'yan! Mabubulok ka sa Munti nyan kapag napatunayan!"

"Ayos lang.." Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. Mas tatahimik siguro dito ang buhay ko at may pag-asang magkita muli kami ng tatay ko. Hindi na muli akong matatawag na ulila.


-Wakas

image credit to orig uploader

Sundalong Kanin

$
0
0
"Mabait ang batang 'yan, hindi naging sakit ng ulo ng magulang," wika ng babaeng sumalubong sa aking sa may pintuan. Tinapik pa ng kanyang asawa ang aking balikat bago inalok ng upuan.

"Ay tunay ka! Iba talaga kapag napalaki ng maayos. Ang bata kasi kapag maayos na napalaki sila mismo ang mahihiyang gumawa ng kasalanan," ayuda ng isa pa.

"Sinabi mo pa! Ang mga apo ko palibhasa bigay-luho ang mga magulang, ayon kahit simpleng pagwawalis ay ipagdadabog pa. Parang mababalian ng buto kung hahawak ng tambo!"

Simula pa kanina ay magagandang salita na ang nadidinig ko sa mga taong papasok ng eskinita. Mga papuri na talagang nakapagpapataba ng puso. Bilang sa daliri ang kakilala namin sa lugar kaya nakamamangha ang buhos ng sa bahay.

Naupo ako sa pangalawang upuan malapit sa kanila. Kaharap ko ang dambuhalang larawan. Inikot ko ang aking mata sa paligid, binati ang ilang kakilala at ngitian ang aking tiyahin at mga pinsan. Wala pa ding ipinagbago bahay mula noong huling uwi ko. Makintab pa din ang pulang semento na madalas naming gulungan noong mga bata pa kami. Nakasabit pa din sa dingding mga medalyang natanggap mula elementarya. Ang makinang panahi na itinuring naming barko noong mga bata kami ay hindi pa din natitinag sa dating pwesto. Nasa frame pa din ang picture namin na may kaserola sa ulo. Sundalong kanin pa nga ang tawag sa amin noon.


Lumabas ako ng bahay at binati ang mga dating kaklaseng nagtipon-tipon sa mahabang lamesa. Medyo mainit din kasi sa loob. Namula pa ako dahil nakangiti sa akin ang babaeng naging dahilan ng aking unang pag-iyak at pagkabigo.

"Kamusta?" paunang bati ni Irene. "Big time na ba? Tagal mong hindi umuwi ah."

"Nagmove-on lang kaya hindi umuuwi," pagbibiro ko. "Ilan na anak mo?"

"Dalawa na. Ikaw?"

"Wala pa. Wala kasi akong makitang tatapat o hihigit sa'yo."

"Kaya walang sumeseryoso sa'yo e! Hindi alam kung kailan ang biro o totoo."

"Aba lagi naman akong pangseryosohan! Sino ba naman tao ang gusto ng lokohan?"

"Pinsan dalaw tayo minsan sa kanila para makaliskisan ang asawa niya," singit ni Don.

"Sa sunod na uwi ko. Dalhin pa natin ng bulaklak. Mas malaki pa sa nasa loob."

"Loko!"


Mahaba ang kwentuhan ng grupo. Naputol lamang noong dumating ang aking tiyahing naghatid ng pagkain at maiinom sa bawat mesa.


"Matagal kaming walang balita sa'yo ah. Sino nagbalita sa'yo?" usisa ni Edgar.

"Si pinsan. Nagulat nga ako e."

"Buti pinayagan ka umuwi."

"Pinilit ko talaga. Sayang si Roel kung alam kong hanggang d'yan na lang tinuruan kong mambabae iyan..."

"Gagaya mo pa sa'yo! Ikaw talaga oh!"

"Parang may bitterness ka, Irene? May asawa ka na ah!"

"Wala no! Sobrang layo mo lang talaga sa kanya."

"Isang dugo lang ang meron kami. Magpinsan e. Nagkataon lamang na broadcast ang kabaitan niya ang aking pasekreto lamang."

"Hindi mo talaga masasabi kung hanggang saan ang life line."

"Kaya purihin mo na ako habang andito pa."

Patuloy pa din ang dagsa ng mga tao sa paglipas ng oras. Patuloy pa din ang bagsak ng papuri na sana ay nasabi nila noong nabubuhay pa si pinsan.




-wakas-

Fiction

Writing Challenge

Go to a room. Or a certain place. It can be outside a building or inside one. Now observe your surroundings. Then tell us what you see: the colors, the smell, the sounds, the emotions. . . Your perceptions of the place. What do you feel about your surroundings? How about the people?

Show us. Tell us. In 200 words or more.

A McFloat and Fries Story

$
0
0

Mas gugustuhin ko pang panoorin ang mga langgam na nagpupumilit buhatin ang nahulog na fries sa sahig kesa makinig sa mga kwento ni Pam. Willing naman akong mag-aksaya ng oras sa kanya kahit sa pinakasablay na bagay pero nakakasawa naman kung paulit-ulit.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko!"

"Pam, 6 months na kayong hiwalay ni Pong hindi mo pa din alam?"

"Eh bigla kasing pumasok sa isip ko e."

Mas okay pa nga ang alaga kong pusa. Kapag nasaktan nang minsan nadadala na. Pero si Pam lahat kami sa barkada sumuko na sa kanya.

"Kailangan ko ng payo mo, please. Tsaka I need you kasi alam kong kaya mo akong pangitiin. Iiwan mo ba ako ng malungkot dito." Sa mga ganitong sitwasyon OA na ang mata niya.

Payo? Wala naman pwedeng ipayo dahil hindi ko pa naranasan ang pinagdadaanan niya. Busy ako sa panonood ng anime noong teenager ako kaya hindi ako dumaan sa stage ng pagharot. Ang pinakamasakit na sigurong pangyayari sa buhay ko ay noong tulian ako ng tiyuhin ko na dahon lang ng bayabas ang anesthesia.


"Nasa isip mo lang kaya nalulungkot ka. Naiisip mo ba siya kapag may exam? Nakikita mo ba ang itsura niya tuwing aatakihin ka ng constipation?"


"Hindi. Kaya nga gusto kitang kasama. Hindi ka nauubusan ng salita para palakasin ang loob ko. Tapos napapangiti mo pa ako kahit tutulo na ang luha ko." Kaya lang naman ako sumasama kasi alam niyang weakness ko ang Mcfloat at fries.

Hinayaan ko lang siya magsalita dahil alam kong si Pong na naman ang topic. Memorize na nga ng lahat ang dialog. Kesyo seven years sila kaya hindi basta malilimutan. Mas masakit pa din daw sa pagkakauntog niya sa ilaw ng jeep kanina.

"Kahit mukha na akong tanga, sinasabi mo na okay lang iyon kasi lahat naman ng tao dumadaan sa stage ng insanity paminsan." Oo nga sinabi ko iyon pampalubag ng loob niya para hindi naman mandiri ang mga kumakain sa kakasinghot niya ng sipon. Pero hindi ko naman sinabingg i-enjoy ang insanity. Hindi na ako magtataka kung naglalakad siya sa kalsada at nagsasalita mag-isa habang may bitbit na pusa.

"Salamat sa pagdamay mo ha?"

"Kumain nga lang ako e. Kaya okay lang na palagi ka ganyan."

"Palagay mo anong dapat kong gawin?"

"Ako na lang kasi ang mahalin mo." Kumagat ako ng fries saka hinigop ang mcfloat.

Tumitig siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko saka pinisil. "Ikaw talaga! Seryoso ang usapan bigla ka na naman magbibiro!"

"Oo nga nabibiro ako." Sana nagbibiro nga lang ako. "Comedian ako 'di ba?"

Bukas o sa makalawa mauulit na naman ang lahat. Mas gugustuhin ko pang panoorin ang mga langgam kesa umasa.

-wakas

#basag

photocredittotheoriguploader

Chicken Adobo - A Love Story 11

$
0
0
image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Hindi ko na kailangan pang bumayad ng six hundred pesos sa Enchanted Kingdom para pabaligtarin lamang ang aking sikmura sa space shuttle. Sapat na ang maipit sa sitwasyong hindi ko alam ipaliliwanag kay Kathy sa sandaling mag-usisa kung bakit kami magkasama ni Andrea. Hindi ako naging chickboy kaya wala akong idea kung paano magpapalusot.


Nasubukan mo na bang gumawa ng coincidence? Tipong inosente ka sa mangyayari pero scripted na pala ang lahat. Parang text mesage na kunyaring wrong send dahil hindi mo nagustuhan ang reply.

Naglakad ako palayo sa comfort room at kakawayan ko na lamang si Andrea sa sandaling lumabas mula sa CR. Magkukunwari akong may nakitang kakilala para kung sakaling magkasabay silang lumabas ni Kathy ay may panahon pa akong makaadjust at sabihing coincidence ang pagkikita naming tatlo. Hindi ako effective na kasabwat sa kaso dahil kapag tinitigan na ako siguradong mabubuking ang pagsisinungaling ko. Kaya hangga't maari hindi muna ako mag-established ng eye contact. Kung kailangan mapuwing gagawin ko.

Swerte na lamang at puno ang pantog ni Kathy kaya hindi sila nagkasabay ng paglabas ni Andrea. Nagyaya na agad akong umuwi dahil maglalaba nga pala ako. Napakaweird ng dahilan kaya kunot noong sumunod na lamang sa akin si Andrea. Abot ang pasasalamat ko dahil nagawa kong makaiwas sa krus na hindi pa kaya ng muscle kong pasanin.

"Paano? Baka hinihintay ka na ng labada mo?" natatawang wika ni Andrea habang nakatayo sa labas ng gate ng kanilang bahay. "Nag-abala ka pang ihatid ako e."

"Ayoko naman may gumugulo sa isip ko habang naglalaba."

"Parang sobrang komplikado ng paglalaba mo?"

"Mas mabuti nang alam kong nakauwi ka ng safe," nakangiting wika ko.

Lumapit sa sakin si Andrea at tinapik ang aking braso. "You're so funny. Sana maulit medyo bitin pero enjoy naman."

"Sure, sure.. Mashed potato naman sa sunod."

"So enjoy your laundry.... Ingat." Kasunod ng salitang ingat ay ang isang mainit na halik sa pisngi. Hindi agad ako nakagalaw. Nag-eexpect pa ako ng kasunod pero wala na. Sinubukan kong tingnan siya sa mata pero walang epekto. Hindi ko first kiss pero kakaiba naramdaman ko. Kakaibang kuryente na hindi kayang ipaliwag ng prof ko dati sa Physics.

"Andrea, hindi pantay.." Senenyas ko ang kabila kong pisngi pero ngumiti lang siya.

"Pilyo ka. Uwi na."



-------

Hindi ko na kailangan pang magbukas ng dictionary para malaman ang kahulugan ng langit. Ikaw ba naman ang may kasamang Andrea plus goodbye kiss pa. Madaming moment ang nasayang pero may finale naman pala. Noong una akala ko malas na talaga kasi hindi man lang ako pinansin ni Kathy noong gabi sa bar. Buti may isang Andrea na nagsagip ng gabi ko. Good riddance siguro.


Nagdate ba kami ni Andrea o kumain lang? Nagdate ba kami ni Kathy o nagkape lang? Pinakaayaw ko ang magbuo ng jigsaw puzzle. Matapos guluhin ay kailangang mabuo ulit. I'm trying to establish a good relationship kay Kathy pero pilit ko naman isinisingit na mapalapit kay Andrea. Parang ko na ding ipinilit magkasya ang piece na may kanto sa may pabilog na parte ng jigsaw.

Mahirap mamangka sa dalawang ilog lalo na't wala akong sariling bangka. Na sa bandang huli alam ko naman pwedeng walang matitira kung kusang umalis na ang mga nagmamay-ari bangka. Kailangan ko na sigurong tumawag kay papa jack para sermonan ako at sa bandang huli ay papipiliin din ako.


Late ako ng fifteen minutes sa Art Class kaya nakabulabog ako sa mga taong nagsisimula ng mag-abala sa kanilang master piece. Habang tumatagal naiisip kong hindi talaga ako para sa isang Art Session. Instinct ko lang ang nagtulak sa akin dito kaya nawawala ang ang interes kong tapusin ang mga ipinapagawa ng instructor. Siguro namiss ko lang talaga ang parents ko.

Nakita ko si Recci sa may bintana. May kasalanan pa nga pala ako sa kanya. Nakakapanibagong walang sumasalubong sa akin sa parking at manghihingi ng kape. Sabagay wala naman akong dalang kotse. Magreretiro na yata si bumble bee.

"Parang may kulang?" wika ko. Wala ang babaeng kailangan isailalim ko ng "how to train your dragon" bago mapaamo. Sinubukan kong magtanong sa katabi ko pero wala siyang idea.

"Nasa ospital. Dinig ko kanina sa usapan nila Recci at ng instructor," singit ng isang babaeng nakadinig sa pag-uusisa ko. Kakaiba talaga ang babaeng may malaking bibig sa likod ko, basta tsimis daig pa niya ang 4G signal ng Globe WiMax. Hindi ko pa siya natatanong nagkusa ng sumagot gamit ang nadinig nya lang din sa iba.


"Ospital? Bakit?" nagtatakang wika ko.

"Hindi ko din alam e. Tanong mo na lang kay Recci."

Kay Recci? Paano ko kaya sisimulan? Alam kong hindi maganda ang nabitawan kong salita noong nakaraan kaya medyo nakakahiya. Kung sa prof naman ako magtatanong baka naman mag-usisa pa kung bakit ako interesado.

Nakailang attempt akong puntahan si Recci pero walang akong lakas ng loob. Hindi ako sanay mareject at takot akong balikan niya sa ginawa ko. Pero bahala na.

"Recci," panimula ko.

"Hindi mo ba siya pupuntahan?" tinapik ako ni Recci sa balikat. "Kape?" Sa pagkakataong ito si Recci na ang may dalang kape. "Kanina ka pa hinihintay n'yan, lumamig na nga e."

Mabait talaga ang Diyos. Marunong siya pumili ng kaibigan para sa akin.

"Ano bang nangyari?"

"Naaksidente sila. Lasing na lasing daw. Nasaan ka ba kagabi? Pinuntahan kita e."

Hindi ko alam kung nakatulong ang kape para lalo akong kabahan. Kung mahina ang puso ko malamang nasa ambulansya na ako. Hindi ko masabing magkasalubong lang kami sa CR kagabi kaya paano maaksidente agad. Kung pinuntahan niya ako sa bahay sobrang ikli lamang ng time gap ng pagkikita namin ni Kathy.

"Saang hospital sila dinala?"

"Sa Grace Gen. Alam ko lilipat na sila ng ospital hindi ko lang alam kung saan. Siguro abot ka pa."

Tumakbo ako palabas ng school at nag-abang ng masasakyan. Wala. Kung magconsume ako ng 10 minutes sa paghihintay mabuti pang takbuhin ko na lang. Kung solid ang pride matagal na akong dedo sa kalulunok nito. Hindi na mahalaga kung mapahiya ako kay Recci malaman ko lang kung maayos si Kathy. Hindi mahalaga kung super OA na ang mga reactions ko. Ngayon ko nararamdaman kung sino ang mas matimbang. Sana maayos si Kathy.

Hinahabol ko ang bawat hininga ko. Hindi ko pinansin ang pagguhit ng aking pawis sa noo. Nagflash back ang lahat ng pinag-awayan namin ni Kathy, ang drawing na umasar, nagpangiti, nagpatensyon at nagpaexciting ng buhay ko sa Art Class, ang pag-iyak niya, ang paggising ko na katabi si Kathy at ang pagiging snob niya.

Namimiss ko si Kathy. Hindi. Mahal ko si Kathy.


Nakarating ako ng ospital pero hindi ko alam ang entrance. Inikot ko pa ang building bago ko nakita ang pasukan. May information pero wala namang tao. Wala ding nagrounds. Sumandal ako sa pader at pinanghinaan ng tuhod. Unti-unti napauno na ako sa sahig sa pagod.


Nang makakita ako ng nurse mabilis akong tumayo. Sa liit ng ospital mabilis naman siguro matutukoy ang si Kathy.

"Ma'am, San po ang room ni Kathy Belarmino?"

"Belarmino, discharged na po."

"Butchoy!" May tumawag sa akin gamit ang nickname ko noong six years old ako. Napakunot pa ang noo ko dahil hindi ko siya mamukhaan. "Kamusta?"

"Eliar?" Empleyado ka dito?"

"Hindi. Mahabang kwento. Naaksidente ang kapatid ko kagabi. Naiwan lang ako dito para iuwi ang mga gamit."

"Kapatid? Sinong kapatid?" Sorbido si Eliar kay malabong si Kathy.

"Si Archie ba?"

"Hindi. Si Monay. Remember?"

"Si Monay." Ang babaeng matabang palaging umiiyak kapag ayaw naming kalaro ni Eliar.


-itutuloy...


Previous Chapter

Nakausap Ko Si Kamatayan

$
0
0
Parang larong domino ang mga namamatay sa Alaminos. Tuwing may ililibing may kasunod na agad. May inatake sa puso, napasarap ang tulog, namatay sa sakit, nakuryente habang nagkakabit ng ilegal na koneksyon, nadulas sa pamboboso at binaril dahil sa hindi napigil na libog. Hindi pa nababa ang aking nerbyos ay may coffee session na ulit mamaya sa Purok 1. Mabait ang namatay sa mga nadidinig ko sa lamay. Hindi siguro masundo ni Kamatayan ang mga hindi mabait. Siguro matigas ang ulo at nanlalaban. Hindi na ako magtataka kung bakit umaabot ng pagtanda sa posisyon ang mga Congressman.


Sa mga usap-usapan may isang lalaki ang madalas umaligid sa Alaminos. Sa mga kwento, may kausap ang mga nasasawi na hindi nila kilalang lalaki at bago sumikat muli ang araw babawian na ito ng buhay. Sabi ng mga matatanda malamang ang lalaki ang tagasundo o si Kamatayan. Angel of death naman sa mga call center agent na bisita. Kakaiba daw ang tahol ng aso sa tuwing may susunduin. Wala naman makatukoy kung ano ang itsura ng lalaki. Kaya pinag-aralan kong maging suplado dahil baby pa lamang ang alaga kong tuta. Aba mahirap na, wala akong warning.


"Saan po ang bilihan ng yelo?" tanong ng tao sa labas.

Gusto ko sanang isigaw na sa kapitbahay pero may kagandahan ang boses ng babae kaya mas pinili kong lumabas. Nahulog na naman siguro ang sign board sa labas kaya may mga nagtatanong na naman ng bilihan ng yelo.

"Sa kabila Miss. May dala ka bang lalagyan? Bawal kasi dito ang plastic. Alam mo na mas mabuting sumunod kesa sumuway." Haba ng dialog ko with killer smile pa na kayang tumunaw ng isang bloke ng yelo. Inalok ko pa siya ng kinakain kong pika-pika.

"Meron. Meron!" Ayos ang get-up ng chick. Nakashorts at ipinagmamalaki ang kanyang cleavage pero may dalang bayong ng magsasabong. Inihatid ko ng tingin ang babae.

"Saan ang bilihan ng yelo?" tanong naman ng lalaki bago pa makalabas ang chick. Itinuro ko na lamang ang bahay ng aming kapitbahay gamit ang pika-pika.

Pabalik na sana ako ng loob ng bahay ng mapansin kong kakaiba ang ikinikilos ng alaga kong tuta. Nagpipilit siyang kumahol kahit boses pusa pa siya. Hindi kaya?

"Teka! Sino po kayo? Hindi ko po kayo kilala."

"Bawal bang bumili ng yelo ang hindi kilala? May membership?"

Pilosopo ang mokong. "Lahat po ng pumapasok sa compound ay kilala, for security purposes po," palusot ko. "Ano po pangalan ninyo?"

"Pangalan? Hindi ko pa naranasan tawagin sa pangalan. Pwede nickname?"

Tama ang hinala ko. "Ikaw si Kamatayan!" Hindi ako pinansin ng lalaki. Iba naman ang bingi sa patay malisya. "Kahit hindi mo aminin kita ko sa ikinikilos ng tuta ko!" Tumuloy sa paglalakad ang lalaki.

"Ako ang tagasundo."

"Susunduin mo ang kapitbahay namin?"

Natigilan ako. Kauutang n'ya lamang sa akin kahapon. "Hindi."

Naloko na. Ako ang una niyang nakausap dito. "Ako ang susunduin mo?"

Naupo ang lalaki sa terrace at kumuha ng isang sa inalok kong pika-pika. Baka pwedeng humingi ng extension kung ako man. "Hindi. Wala akong susunduin ko dito."

"Kinabahan naman ako. Bakit ka naparito? Alam mo bang lahat ay natatakot sa pagdating mo!"

"Bibili ng yelo, 'di ba? Anga kamatayan ay hindi isang parusa kundi isang paalaala kaya hindi dapat katakutan. Wala itong schedule na sinusunod tulad ng paniniwala ng marami."

"Sabagay. Kapag oras mo na oras mo na!"

"Hindi."

"Sablay ulit? Hindi ba talaga ako tatama?" Parang exam ko lang kanina. Bokya.

"There's always an angel of death in every human being."

"Kailangan english talaga?"

"Shut up! Lahat ng tao ay dapat mamatay sa natural death. Pero dahil may kriminal o other act of man ay nasisira ang schedule.Ang hindi nakaschedule magiging palaboy na kaluluwa sa kalye, sa palengke, opisina, call center, sa fiesta, sa motel at sa iba pang lugar."

"So lahat ng lugar haunted? So creepy!"

"Lahat. Pati sa likod mo!"

"Loko ka, may pananakot ka pa!"

"Hindi ako nananakot. Patuloy nakikihalubilo ang mga ligaw na kaluluwa sa mga tao dahil hindi pa nila alam na patay na sila. Hindi pa sila susunduin hanggat hindi pa nila schedule. Mahilig sila sumama sa mga picture, makipagsiksikan, makijam, yumakap, kiligin at may pinipiling magkulong sa bahay. Sa sampung kasabay mo sa paglalakad, kasakay sa jeep, maaring patay na ang isa sa kanila."

"Pero bakit laging sa Alaminos? Sobrang dalas naman ng schedule."

"Dapat nga magpasalamat dahil madalas ang sundo dito."

"Magpapasalamat? No way!"

Pumilas ng papel si Kamatayan sa mesa. Humingi ng bolpen at nagsimulang mag-enumerate ng dahilan. Huli na bago ko mapansin na assignment ko ang pinilas niya. "Sa palagay mo, maiisip bang umuwi ng kamag-anak ni Kapitan kung walang namatay?"

"Oo nga no? Nakilala pa ni Igan ang mga long lost tita niya!"

"Si Ace? Iyong tinatawag mong bestfriend, iyong nakashorts na binobosohan mo sa kusina. Hindi mo siya makikilala kung hindi namatay si Randel."

"Hindi ko binobosahan iyon! Nagkataon lang na katapat niya ako noong nagtaas siya ng paa."

"Mukha mo! Tinalo mo pa ang CCTV, 24/7 mong monitor ang paggalaw ng paa!"

"Dati ka bang NBI?"

"Makinig ka muna. Ang magkakapatid na Mendoza hindi magkakasundo kung hindi hiniling ng namatay. Ang pagpapatawad hindi ibibigay kung hindi namatay si Arman. Hindi pa ba sapat na reason yan para magpasalamat?"

"Oh sige. Salamat at namatay sila. Siguro irony na ang tawag dyan! Saka marerealize ang lahat kapag patay na. Kumbaga hihintayin muna mamatay bago maging national artist!"

"Mismo! Paano? Nawala na ang uhaw ko. May susunduin pa ako."

Napakunot ang noo ko. "Sino?"

Nakabibinging busina ang umagaw ng eksena. Kasunod takbuhan ng mga tao sa labas.

"Iyong babae nabundol!" sigaw ng lalaki.

"Anong nangyari?" usisa ko sa lalaking galing sa aksidente.

"Nahulog ang yelo. Naputol yata ang hawakan ng bayong! Nahagip siya ng parating na sasakyan noong sinubukan niyang pulutin."

"Alam mo na kung sino ang susunduin ko." Naglakad ang lalaki patungo sa aksindente. Inilagay niya sa bulsa ko ang kapirasong papel na sinusulatan niya kanina.

"Yung chick kanina..." bulong ko. Kinuha ko ang papel sa bulsa ko at napansin kong may makasulat sa harap. "Like mo ko sa facebook. - tagasundo"

-end-

image credit to nashiil.deviantart.com

Magreresign Na Ako!

$
0
0

"Naparito po ako para iabot ito ng personal." Hindi ko alam kung lakas ng loob ang nagtulak sa akin para kausapin si Prof o itinutulak lamang ako ng aking mood swing para harapin ang kaibigan ng tatay mula pagkabata.

"Magreresign ka?" Hindi pa man niya nababasa o nabubuksan ang laman ng aking iniabot na sobre ay nakuha na niya ang aking pakay. "Alam na ba ito ni Ramon?"

"Hindi pa po, Prof. Personal na dahilan po kaya gusto kong magresign at palagay ko po ay nakakaapekto na sa aking trabaho ang mga personal issue ko." Mahirap iwanan ang isang trabahong pinaggugulan ko ng matagal na panahon lalo na't hinubog nito ang buo kong pagkatao. Pero hanggang kailan ako tatanaw ng utang na loob? Paano ba bayaran ang utang na loob? Sapat na siguro ang limang taon ko sa kompanya para kabayaran.

Bata pa lamang ako ay kasama na ko nina tatay at prof sa Balayan para mangawil. Prof ang naging tawag ko kay Boss dahil siya ang nagturo sa akin ng basic sa pangingisda at horse back riding. Hindi pa man ako tumatapak ng high school ay nakaabang na sa akin ang siguradong trabaho. Hindi ako tulad ang ibang empleyado na dumaan sa mahabang pila, mahirap na exam at panel interview. Sapat na ang endorsement ni tatay para makapasok sa kompanya. Diploma lamang ang hinintay ko para masabing pormal ang aking pagpasok.

Wala naman akong pinagsisihan kung sila ang nagdecide ng course kong dapat kunin. Tama nga naman kung gusto mong kumita ng pera, hindi na kailangang mag-invest pa sa iba. Pera na mismo ang gawing negosyo.

"Dex, ang kailangan mo ay pahinga. Oo andun na tayo na umalis ang JO Electronics pero tanungin mo ang sarili mo, hindi mo ba sila kayang palitan?"

"Nawala po ako sa focus."

"Hindi ka pumarito para magresign kundi para humingi ng payo mula sa isang prof. Ginamit mo lamang ang sulat na ito para magkausap tayo. Masyado kang tutok sa trabaho. Take a break. Balikan mo ang mga bagay na nagpapasa sa'yo. Ang mga taong dating nakasama mo. Hindi ka kabayong pangarera na isang direction lamang nakatingin at nakalimutan na ganda ng nasa paligid. Huwag kang parang isda na sa pain lamang nakatingin."

"Susubukan ko po."

"Matapos ang bakasyon mo, saka ka magdecide. I'll respect whatever your decision is. Goodluck!"

"Salamat prof!" Isang tango ang tugon niya sa akin at saka inilagay sa drawer ang aking inabot na sobre na hindi man lamang nabuksan.

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na gusto kong lumago? Sumubok sa ibang larangan na walang isasaalang-alang na pagkakaibigan ng aking ama at ng may-ari ng kompanya. Paano ako magbibigay ng aking panig sa aking mga katrabaho sa isang sitwasyong na malapit sa akin ang masasagasaan?

Ang problemang akala ko ay matatapos na ngayon ay bitbit ko na muli pauwi. Alam kong may punto si Prof. Marami na siyang naitulong sa akin at kahit isang payo niya ay hindi ako napahamak. Umaabot lamang sa punto na pakiramdam ko ay iikot na lamang ang mundo ko sa kanila.

"Dex, kamusta? Parang sobrang stress mo ah?" salubong sa akin ni Adrian.

"Oo nga e. Siguro bukas magpapahinga muna ako. Napasyal ka yata?"

"Sinadya talaga kita. Alam mo na, buntis si Jam. Kailangan ko ng trabaho. Baka may bakante sa inyo. Refer mo naman ako. Pangako hindi kita ipapahiya. Tatanawin ko pang utang na loob."

"Ninong, idol!" singit ni Aldrin. "Mano po."

"Kaya itong si Aldrin, paglaki kagaya ng course mo ang kukunin. Igagapang ko talaga. Sobrang ipinagmamalaki nga niya na idol na idol ka n'ya!"

"Oo nga ninong!"

"Masipag ka bang mag-aral Aldrin?" baling ko sa bata. "Pagpasok ko, titingnan ko kung may bakante."

"Salamat dre! Hirap ng trabaho ngayon! Swerte na nagkatrabaho agad. Puro na kasi agency kaya palagi akong nawawalan ng trabaho."


Tama si Prof, kailangan ko lamang tingnan ang mga taong nagpapasaya o mahalaga sa akin para matauhan. Kulang lamang siguro ako sa pahinga. Hindi ko na kailangan pang hintayin maubos ang oportunidad bago ko makita kung saan ako babagsak.

-wakas-

image credit to orig uploader

A True to Lie Story

$
0
0

Hindi ko na maaninag ang nangyayari sa labas. Ang dating tila nagyayabang na liwanag mula sa poste ng Meralco ngayon ay paandap-andap na. Ilang araw na din palang malakas ang buhos ang ulan.


"Baha na Ma'am sa labas," wika ng ni Larry sa kaisa-isang customer namin sa convenient store. "Abot tuhod na po."

Magtetext na sana ako kay Zandra na male-late ako sa usapan namin dahil sa lakas ng ulan pero may message na agad siya sa akin na hindi siya makakarating dahil sa parehong dahilan. Excited pa naman akong makita siya dahil halos isang buwan na kaming hindi nagkikita matapos siyang mapa-assign sa Lucena City.

"Sir, ikaw na bahala dito. Dehins ko kaya," napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Larry. Bumalik si Larry sa kanya pwesto sa pintuan.

"Can I ask you something?" wika ng babaeng ginagawang headband ang kurtina sa bahay.

"Sure!" Sumenyas si Larry ng gilit sa leeg pagkasagot ko.

"Do you speak nor understand english?"

Patay! Kaya pala sumuko si Larry. Sa ganitong pagkakataon sinisisi ko ang pagiging tamad kong mag-aral. Pinagtatawanan pa namin dati ang arte ng pagsasalita ng aming English teacher noong elementary.

"Yup. Why?"

"Good! Because i cant understand tagalog. Can I smoke here?" Wala naman sigurong darating na supervisor sa kasagsagan ng ulan. Pero baka ang mokong na ito ay spy.

"I'm sorry. Better try our coffee. It's free." Naniniwala pa din ako na ang masarap na usapan ay kailangan ng mainit na kape. "Where you from?"

"Maine."

"England?"

"North America."

"So what do you want to talk about?" Naubusan na ako ng bala kaya hanggang tanong na lamang ako.

"I'm waiting for a friend here. Kindly give this to her." Itsura pa lang alam ko nang invitation sa kasal.

"Gloria?"

"My mother's step sister. You made this?" Tumango ako. Kinuha niya ang tissue na kanina ko pa sinusulatan. May ilang doodle din ng lalaki at babaeng magkahawak ang kamay. "Cool huh."

"Its boring."

"No! You're good. I can't even draw a cat. I'm nothing compared to you."

"I heard that before. Now she's my boss. So congrats!"

"For what?"

Iginalaw galaw ko ang ibinigay niyang invitation. "Best wishes."

"It's not mine. Do you have your own family now?"

"Nope. I have a girlfriend. You?"

"I have 2 bf," sambit niya ng walang kagatol-gatol. Biglang napalingon si Larry at napahigpit ng hawak sa batuta. "And I love them both."

"They know?" Iba talaga ang mga babae ngayon. Kawawa naman kaming mga lalaki na napipiling biktima.

"Of course not! I'm actually engaged to the other guy."

"Then you fall in love with another guy.... You need a lot of time management."

"Hell yeah! And it sucks! I never expect that they will be serious about me."

"How? Is he a close friend?

"At first I thought I'm just having fun... exploring things in life then I just found out that I'm falling in love." Nakikita ko na ang future ni Dora sa babaeng ito paglaki.

Napahigop ako ng kape sa kwento. Kung may sindi ang yosi n'ya malamang inagaw ko na. "So never fall in love while having fun."

"Yeah! That's the rule."

"Do you really love your fiancee? What if you have to choose?"

"He's not always around. So I guess I find comfort to another guy. I guess. I'm actually having doubt of my fiancee cause he's a good man but I think too good for me. He sometimes bored me."

"Bored about what?" Kung si Eric ang duty malamang natanong na niya kung sex life. At paniguradong masarap na ang usapan. Sanay kasi akong nakikinig lang. In short boring ako kausap.

"He's very quiet type of person."

"Loving is different from enjoying."

"Yeah, I don't know what's going to happen."

"Don't stare at me. I rather solve a math equation than be in that situation. Plus I can't handle heartbreak."

"I'm fucked up huh."

"Cancer patient has higher survival rate than heartbroken."

"You're funny. Anyway, I better be going. My dad will be here any minute now." Tumigil na pala ang ulan. Humupa na din ang baha sa labas. Hindi ko man lang namalayan dahi mas concern ako sa biglang pagdudugo ng ilong ko.

"Its so nice to talk to you. Hope everything goes well with you!"

"Can I have your number?"

"Here..."

"Thanks for the coffee. Bye."

Nakangiti pa kami ni Larry habang inihahatid ng tingin ang babaeng magiging dahilan ng pagkalow blood ko.

"Chief, napalaban ka ah."

"Oo nga e. Ikaw kasi itinuro mo pa ako."

"Chief, may tumatawag yata sa'yo."

Lumapit ako sa mesa at dinampot ang cellphone na katatapos lamang mag-angelus."Hello, who's this?"

"It's me again, Hannah. Sorry for not telling the truth."

"So you're telling a lie?"

"Not really. The story is true but not mine. The invitation is not for Gloria. Its for you.. I am sorry, I have no courage to tell you. My brother is a good man. I want him to be happy."

Binuksan ko ang invitation. Engagement party noong nakaraang buwan. Lumaki ang mata ko sa nakasulat na pangalan. "Zandra?"

Hang up...

-end-







image credit to meldita's your not alone handjob.


Si Classmate : A Dota Story

$
0
0

Ang pag-ibig ay isang sugal na pwede kang maging panalo at talo sa magkasabay na pagkakataon.

"Peter, nasaan ka na?"

"Malapit na!" Alam kong malayo ang sagot ko sa tanong ng kapatid ko. Naaburido lang ako sa paulit-ulit na pag-uusisa kung nasaan na ako. Wala naman sigurong masamang loob na pwede dumukot sa akin. "Kapag nakabili na ako ng sasakyan, mabilis akong makararating d'yan. Hindi biro ang layo ng Tiaong!"

"Pasensya ka na, wala kasing naiuwing pera si Claude." Si Claude ang aking bayaw na hilaw. Siya ang minahal ng bunso kong kapatid habang nasa kalagitnaan sila ng pag-aaaral sa kolehiyo. Sa makalumang prinsipyong mamahalin ng lubos at hindi pahihirapan, ginawa niyang taong bahay ang kapatid ko. Kaya hindi na ako magtataka kung tatlong beses lumobo ang tyan ni bunso sa tatlong taon nilang pagsasama. "Kapag nakaluwag, makakabayad din kami sa'yo."

"Ang isipin mo muna ay anak mo!"



Mabagal ang palitan namin ng mensahe ng kapatid ko. Kung nanamnamin ko ang bawat text niya, paniguradong may kasamang luha ang bawat letra. Ramdam ko ng emosyong matagal ng nakakulong sa dibdib niya. Itinakwil na sila ni Ermat. Nakailang palit ng ng baterya ng orasan, nanganak na si Mahal, nagsara na ang Banco Filipino, mabubuntis na naman si Myleen Dizon ng ex-husband n'ya pero ang pagpapatawad hindi pa sumisibol sa puso ng inang nasaktan.


Galit din ako noong tinanan ni Claude ang kapatid ko. Galit dahil sinira nila ang tiwala ni Ermat. Galit dahil hindi nila inisip ang pagod, puyat at pagsisikap para mapagtapos lamang sila. Galit dahil nakita kong tumatangis sa gabi ang mahal kong ina. Pero kahit ang pinakamatigas na bato ay kusang bibigay sa maamong haplos ng mga alon, ang nagmamalaking sikat ng araw ay luluhod din sa kanluran at ang pusong sintigas ng asero ay lalampot sa ngiti ng mahal na apo.

May sakit ang panganay ng kapatid ko. Ilang araw na sa ospital at halos hindi makilala sa sobrang kapayatan. Dahil wala naman akong pera, binalak kong ibenta ang selpon kong de camera. Pero bago pa ako makatayo sa aking upuan, naramdaman ko na ang mainit na yakap ng aking ina. Ikinulong niya sa palad ko ang kumpol ng pera. Bago pa ako makapagsalita gumilid na ang kanyang luha. "Kailangan ka ng kapatid mo, sige na."

Sumakay ako ng jeep habang lumuluha. Pumikit ako at nagpasalamat.


Ang pag-ibig mapagparaya. Hindi sakim. Hindi palalo.

Huwag akong gagaya kay bunso bilin ni Ermat. Hindi ko kailangang magmahal habang nag-aaral. Problemahin ko daw ang solid measuration, java codes at Cisco. Hindi ang pakikipagrelasyon. Ang pagmamahal makapaghihintay, matuto akong magset ng priority at higit sa lahat huwag sisirain ang kanyang tiwala.

Si Jewel ay hindi kasing precious ng mga pwedeng isanglang bagay. Isa lang siyang ordinaryong classmate na may malaking dede. Nasa unahan ko ang upuan niya at ako lamang ang friend niya sa facebook kaya marami kaming napagkasunduang bagay. Nireregaluhan ko pa nga siya. Mga items nga lang sa facebook.

Minahal ko si Jewel ng hindi ko namamalayan, ng walang halong kalibugan at pagnanasa. Pero hindi ko iyon nasabi. Walang i love you na lumabas sa aking bibig, walang cheesy lines, walang pasuplado epek. Ang pagmamahal makapaghihintay sabi nga ni Ermat. Pinigil ko. Pero hindi ko kaya parang utot na bigla na lamang sumubog.

Doon sa may computer shop sa labas ng Enverga kung saan kami madalas gumawa ng project ay naka-close ko si Jewel. Minsan kasing naging cheesy ang biglang paghawak ko sa kanyang kamay. Hindi naman sinadya. Nagkataon lamang na pareho kaming gustong humawak sa mouse. Hindi nga bumagay sa kulay kong kayumanggi ang biglang pagpula ng aking pisngi. Simula noon palagi ko na siyang inihahatid pag-uwi. Sa kabilang building lang naman kasi ang inuupahan niyang boarding house.

"Jewel, I love you," wika ko tapos bigla na lamang akong tumakbo. Hindi ko siya hinayaang magsalita dahil hinintay ko munang isubo ng buo ang ibinigay kong goldilocks polboron bago ako nagsalita. Hindi ako torpe. Ayaw ko lang madinig ang sagot niya.


Bukod sa kayakap kong unan sa gabi, ang kaibigan kong si Russel lang ang nakakaalam ng lahat. Bata pa lang magkasama na kami. Hindi ko alam kung bespren kami. Basta ang alam ko magkaibigan kami. Tipong kahit magpalitan ng mura at masasakit na salita, e alam naming biruan lang. Mas alam pa nga ni Russel ang takbo ng isip ko. Kahit malaki ang Enverga alam niya kung saan ako hahanapin. Alam kung saang kanto tumatawid at saang poste umiihi. Siya ang tumulong sa akin kung paano makalimot dahil sa kagustuhan kong masunod ang bilin ni Ermat. Tinuturuan niya akong magdota. Maubos na daw ang pera sa pagpapalakas ng character kesa mapunta lamang babaeng hindi ko naman kaya pang mahalin.

Dota.

Dota.

Dota.

Anak ng dota! Paano ako makakalimot kung pati Dota kailangan ng Jewel? Sabi nga ni Forest Gump, "life is like a box of chocolates, you never know what you're gonna get," kahit piliin mo ang gusto mong gawin hindi mo pa din alam ang kalalabasan. Kahit umiwas ako may mga bagay talagang magpapaalala. Ganito pala ang pag-ibig.

"Why do cupid always hit the wrong guy?" wika ni Jewel sa babaeng kausap niya. Ako naman patay malisyang naglalaro ng Dota.

"Siguro kulang sa training ang cupid mo. O kaya naiwan ang salamin!" Sa itsura ni Jewel hindi bagay sa kanya ang mag-inarte. True love lamang talaga ang tumama sa akin kaya ko siya nagustuhan.

"Eh kung bakit ba naman ang magkakagusto sa akin ay napakatorpe!" Kung sa hirit lamang hindi ako mauubusan. Hindi ko laman talaga gustong sumira sa pangako ko kay Ermat. Ang pinsan ko nga nakatapos ng pag-aaral ng hindi man lang nagpaligaw. Kaya noong nakapag-asawa humataw agad sa pagdadagdag ng populasyon ng Pilipinas. Palima na nga lalabas sa makalawa.

"I-take advantage mo na. Minsan lang 'yan!" Hindi ko alam kung kaibigan o demonyo ang kausap niya sa dating ng payo. Sa isang iglap para akong hinila ng bampira at hinalikan sa labi. Hindi na ako nakareact. Nag-enjoy ako e!

Umeecho sa tenga ko ang bilin ni Ermat sa tuwing makikita ko si Jewel. Hindi naman ako pwedeng pumikit dahil baka isipin ng prof na tulog ako sa klase niya. Kami na ba? Buti pa ang unilimited text may confirmation. Pero parang kami na nga. Tuwing uwian tagabitbit na ako ng bag. Hindi ko alam kung requirement ang pagiging alipin kaya sinakyan ko na lamang. Sabi nga, sa end ng rainbow, may pot of gold. May kiss naman pagkahatid e kaya oks lang. Killeegz! ^^

Ngayon alam ko na kung bakit natuto sumuway si Bunso. Guilty tuloy ako kasi nakisakay ako sa galit ni Mudra. Sa tuwing magliliparan ang saplot namin sa katawan ay nawawala ako sa katinuan lalo na kapag dumadating sa crunch time. Pero tuwing uwian, napapaisip ako kung paano kung mapagaya ako kay Bunso? Mag-ingat na lang daw sabi ni Jewel. Pero sa akto niyang parang sinasipian parang imposible.

Hindi ko makalimutan ang kanta ng "The Honeyz" na End of The Line. Basta parang ganun ang sumunod na eksena. Sasabihin mo siguro parang ambilis yata. Para bigla. Ako nga nagulat din, ikaw pa kaya? Nagtapang-tapangan ako. Kunyari hindi ako nasasaktan. Hindi ako ang nawalan e. Nakaboundary naman ako. Pero pakiramdam ko ako pa din ang talunin.



Why kaya? Anyare? Basta ganun. Madami nag-usisa. Basta na lamang niyang sinabi na need niya magconcentrate sa studies. Samantalang ako naman ang gumawa ng assignments niya dati. Kung kailan naisipan magconcentrate palaging bagsak. Ni isang recitation wala namang nasagot.

Cool off. Break-up. Dead-end.

Ayun. Ilang araw akong lakad senior citizen. Umabot ng buwan. Graduation. Hindi ako nagvarsity ng kahit anong laro. Kaya noong napaglaruan ako ng pag-ibig talo agad. Olats. Anong magagawa kung sablay agad ang pinangarap kong lovelife? Kung tatanungin mo ako kung may pinagsisihan ako, oo marami. Lahat naman siguro ng nilalang may ganun. Sana hindi ko na lang sinubukan. Sana takot na lang ako. Sana hindi ako nakipagclose. Sana. Sana. Pero tinatawanan ko na lang. Pero may luha na pala sa pisngi.

Dumaan ako doon sa computershop na tinatambayan namin dati. Simula noong nag-exit na sa buhay ko si Jewel bilang na sa pedestrian lane ang bakas ko. Tumayo lang ako sa labas. Wala si Jewel sa loob. Iyong matandang may-ari ng computer shop kunot-noo pa akong tinitingnan. Pilit inaalala kung dati akong tambay sa shop n'ya. Kulang ko na lang sabihin na, Oo ako po iyong dating tambay dyan na may dalang bulaklak pero basurahan lamang ang nakinabang. Iyong iniwan."

Inabot ako ng hatinggabi. Nakatayo lang. Naghintay. Baka may Jewel pa akong babalik. Pero wala. Lumipat na siguro ng tirahan.

Ang weird sa pakiramdam. Pati ang insektong naglalaro sa ilaw ng poste ay aking kinaiinggitan. Dalawa lamang sila na tila ang lalaro. Naghahabulan. Naghaharutan. Parang kami dati ni Jewel, masaya sa ilalim ng kauting liwanag. Pero. Ako lamang yata ang masaya nun.

Maya-maya pa may nagtatakbuhan. May nagkakagulo daw. Away frat. Pinili kong umiwas. Mahirap ng madamay. Sa kabilang kalsada na lamang ako dadaan kahit medyo madilim. Malapit na ako sa sakayan nang may naanignag akong kasalubong na dalawang tao. Pasuray-suray. Hindi ko maaninag ang kanilang mukha malayo kasi sa ilaw. Lasing siguro.

Binagalan ko ang lakad. Inilagay kong ang 50 pesos sa medyas ko para kung magkakaaberya ay may pamasahe pa ako pauwi. Tumungo ako noong malapit na kaming magkasalubong para hindi pagkamalamang masama tumingin. Issue pa naman palagi sa mga lasing ang tingin ng kasalubong. Nakiramdam ako. Wag sanang mahalatang kinakabahan. Nakahinga na ako ng maluwag noong lumampas.

Nanginig ako sa takot ng biglang tumigil ang kanilang lakad. Tapos naramadaman ko ang kanilang paglapit. Dumampi ng isang kamay sa aking balikat at hindi ko na nagawang umilag.

Hinihintay ko na lamang ang salitang cellphone mo, pera, alahas. Puri. Tapos may didikit na kung anong bagay na pwede kong ikapahamak.

"Peter," wika ng humawak sa balikat ko. Amoy sibuyas ang hininga. Boses lalaki.

"San ka galing?" Babae naman. Parang replay ng mga nangyari dati. Nagkita-kita ulit kaming tatlo nina Russel at Jewel. Ang kaibahan lamang kay Russel nakapulupot si Jewel. Hindi na sa akin. Sila lamang pala. Akala ko mga lasenggo. Akala ko holdaper. Buti na lang sila hindi masamang loob. Nagkatinginan kaming tatlo. Noong una nakangiti. Labas ang ngipin. Hangang sa naglaho. Inisip ko kung mas mabuti pa yatang holdaper ang nakasalubong ko. At least handa ako. May naitabi na nga akong 50 pesos.

"Pauwi na. Sige!" wika ko.

Blangko akong sumakay ng tricycle. Siguro nagdota sila. Ano nga bang paliwanag ang kailangan kung kita ko naman ang sagot.

"Boss san tayo," tanong nung suki kong tricycle driver.

Hindi ko masyadong nadinig ang boses niya sa lakas ng kanta ng Parokya ni Edgar. Nagsenyas na lamang ako saka ngumiti. "Tara samahan mo ko magsaya..... Pakiusap lasingin nyo ako."



-wakas-

---------

Namiss kong magsulat ng kwentong mahaba. :)

photo credits to Mel Martinez

Chicken Adobo - A Love Story 12

$
0
0
image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Keep your eyes in the road. Ang nakasulat sa T-Shirt ni Eliar. Meaningful pala ang road sign na yan. In short focus. Muntik na akong mawala sa pakay ko noong makita ko si Eliar. Nawala ako sa focus dahil sa mga kwento ng aking kababata. Kung discharged na si Kathy nasaan ang kasamahan niya? Sa kwento ni Recci, grupo sila noong naaksidente. Posible kayang kasamahan nila si Monay o nagkataon lamang na iisa ng ospital na pinagdalhan.

"Tamang tama p're, madami akong dapat iuwi. Samahan mo muna ako sa bahay at dalawin na din natin si Monay." Inakbayan niya ako at tinapik-tapik sa tagiliran.

"Baka naman lalo lumala ang kapatid mo sa akin. Alam mo naman na asar sakin iyon, 'di ba?" Hindi ko masabi kay Eliar na may lakad pa ako. Malaki din kasi ang utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko makuhang tumanggi agad.

"Sus! Away bata lang iyon! Tsaka may dala akong sasakyan kaya madali lamang tayo plus ihatid kita sa lakad mo. Ano bang sinadya mo dito? Umamin ka, nililigiwan mo iyong nurse dito no? Kakaiba ang tingin mo kanina dun sa nurse na kulay mais ang buhok!"

"Hindi ah! Ngayon nga lang ako nakarating dito at nagtanong laman ako dun!"

"Sige, kunyari naniwala ako!"

"Sa tipo ko ba naging womanizer ako? Serious naman lahat ng naging relationships ko."

"Biro lang. Kahit kailan seryoso ka. Nakakamatay 'yan! Stroke or heart attack."

"Iginagaya mo kasi ako sa'yo!"

"Ako? Alam mo namang seminarista ako. Nagkataon lamang na hikain ako kaya pinili kong lumabas."

"Ang sabi sakin ni Tito Gabriel kaya ka lumabas dahil tumatalon ka sa bakod para makapanood ng volleyball ng mga chicks. Gawain ba iyon ng hikain?"

"Isang beses ko lamang ginawa iyon! Hindi ko alam ipinagkalat na pala iyon!"


No choice na ako. Sa sarap ng kwentuhan hindi ko nagawang iwan si Eliar. Hindi ko din naman alam pa kung saang ospital inilipat si Kathy. Sumakay kami ng kotse pagkasakay ng mga gamit. Tanaw ko habang palayo sa ospital ang kasamahan ni Archie noong nakaraang gabing magkakasama sila. Hindi maalis sa tenga ko ang mga pinag-uusapan nila. Nasa stage ako ng "jealous-boyfriend syndrome" kahit hindi nararapat.

"Pwede ba kitang sunduin after school?" tanong ni Archie kay Kathy.

"Hindi naman kailangan. Baka mainip ka lang."

"I insist."

"Sige. Mapilit ka e. Basta don't expect na sasama ako palagi at ako masusunod sa dapat puntahan," sambit ni Kathy habang itinataas ang bote ng alak.

"Yes, my princess."

Kung hindi pa ako kinausap ni Andrea malamang matinding selos lalo ang nararamdaman ko. Pwede naman akong hindi makinig kung tutuusin. Ako mismo ang gumagawa ng ikaiinggit ko kay Archie. Kung makikinig ako sa usapan nila dapat handa na ako. Kaso hindi naman ako lumaking bato.

"Alam mo hindi manghuhula ang mga babae. Dapat maging malinaw ang isang lalaki sa ginagawa niya. Hindi dinadaan sa palipad hangin lang. Dapat derecho. Hindi naman pwedeng babae pa ang magtatanong kung manliligaw ang lalaki kasi baka mapahiya. Madali mainlove ang babae kaya nga lang dumadating sa point na ma-pissed dahil sa MU. As in Malabong Usapan," kwento sa akin ni Andrea bago kami naghiwalay noong gabi.

"Bakit mo sa akin sinasabi iyan?"

Ngumiti si Andrea. "Kasi malabo ka kausap."

Nitong mga nakaraan araw madalas ang flashback sa akin ng mga pangyayari. Malabo nga ba talaga akong kausap? Sino ba tinutukoy ni Andrea?

"Butchoy, kamusta? Ano bang pinagkakabalahan natin ngayon?" basag ni Eliar sa katahimikang bumabalot sa sasakyan.

"Wala nga e. Nagresign ako sa dating kong trabaho."

"Na naman?"

"Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto ko."

"Mag-asawa ka na! Uso iyon. Kung sino wala trabaho sila ang mga mabilis magdecide mag-asawa."

"Kelan ka pa naging analyst?"

"Mostly kasi ng loan applicant mga walang trabaho at maaga nag-asawa."

"Nga pala, akala ko wala dito si Monay?"

"Bakit ka naman naging interesado kay Monay? Sinabi ko lang na mag-asawa ka na bigla mo naisip ang kapatid ko. Mukhang tutuparin mo ang pangako mo ah."

"Loko! Bata pa ako nun kaya may biruan na ganun."

"Iyong away bata nga pinanghahawakan mo pa til now. Iyon pang alam mong tatatak sa isip ng kapatid ko. Serious pa naman ang kapatid ko. Ikaw nga unang tinanong nung dumating dito."

"Puro ka kalokohan. Six years old pa lang ako nun."

"Ikaw ang maloko. Pangakuan ba naman ang kapatid ko na liligawan paglaki."

Family picture ang bumugad sa akin pagkabukas ni Eliar ng pintuan. Kamukhang kamukha na ni Tito Gabriel si Eliar. Si Monay naman kamukha ni Mojacko.

"Mukha kang troll sa picture na to."

"Gusto ko ngang itapon na iyan e. Sa tanong mo kanina, nung nag-elementary si Monay inuwi ng Nanay niya. Nagkaroon kasi ng trouble ang dalawang pamilya."

"Kaya pala matagal ko siyang hindi nakita."

"Ibang iba nga ang ugali. Sobrang tigas ng ulo noong bumalik." Inabutan ako ng juice ni Eliar at itinuro ang mga album sa ilalim ng mesa. "Tingnan mo mga pictures. Hinding hindi ka maniniwala sa itsura ni Monay!"

"Kaninong drawing 'to?" bigla akong kinabahay. Hindi kaya si Kathy si Monay?

"Naiwan lang iyan noong kaibigan ni Monay. Madalas nga sila dito."

"Caricatures?"

"Mahilig ka 'di ba sa ganyan?"

"Oo. Hindi siya ang gumawa nito?"

"Hindi. Bisyo lamang ang alam nun."

"Natanong mo ba naman baka may problema."

"Ewan ko nga sa batang iyon. Nung bumalik dito iba na ang ugali. Madalas umaga umuuwi. Buti na nga lang may pinaglilibangan nitong nakaraan mga araw kaya limited na lamang iyong pag-uwi ng umaga."

"Bakit ano naman ginagawa niya?"

"Barkada. Talo pa ako sa dalas ng pag-iinom. Noong minsan ngang susunduin ko e inaway pa ako. "

"Grabe nga. Kung ikaw na hindi mo makontrol paano pa kaya ang ibang tao?"

"Iyon nga din ang akala ko e. Pero last few days she's acting weird e. Palangiti na at kahit pangit ang boses nagpipilit kumanta."

"What do you mean?" usisa ko. "Nababaliw na siya?"

"I don't know. In love? Maybe? I bet kawawa ang lalaki."

"Right. Sa ugali niya, mas mabuti pang manulay sa alambre."

"Mismo." Humalakhak pa kami sa sinabi ni Eliar. "Pero at least less na ang time na ako ang aawayin niya."

"And the guy na mapipili niya daig pa ang nagsuicide," natatawang wika ko.

"I'll pray for him."

Masarap ang kwentuhan lalo pang pinasarap ng chicken adobong nakahain. Naikwento ko kay Eliar ang pagpasok ko sa Art Class dahil sa chicken adobo. Gusto ko sanang isingit ang babaeng nagpagulo ng buhay ko pero alam kong pagtatawanan ko. Si Eliar ang tipo ng kaibigan na pwedeng ipagkatiwala lahat maliban sa kwentong pag-ibig.

Hindi ko napansin na may message na pala sa cellphone ko si Recci. Nasa Capitol Medical daw si Kathy.

"Bro, una na ako. May pupuntahan lang. Salamat sa pagkain."

"Hatid na kita," alok niya.

"Hindi na. Baka may need ka pang ayusin o kaya dalahin. Malapit lang naman."

Ramdam ko ko na naman sa dibdib ang kaba. Isang cycle na hindi ko na dapat nararanasan.

"Kathy Belarmino, Miss.."

"203-B sir. Second Floor. Bldg B."

Dali-dali akong kumilos para umabot sa visiting hours. "Nasaan ang hagdan?" Naloko na. Hindi lamang sampung beses ako naging tanga sa paghahanap ng hagdan ng mga ospital. Lalo na kung sa likod maraming kanto na pareho ang itsura na hindi mo alam kung ginawa talaga para maospital sa sobrang hilo.

"Excuse me, saan ang 203-B sir. Second Floor." Buti na lamang hindi nakamamatay ang magtanong.

"Derecho lamang po then kumaliwa po kayo sa pangalawang kanto. May information po dun sa gilid po ang hagdan paakyat."

"Thanks!" Hindi naman nakamamatay ang magtanong ulit.

Kakatok na sana ako sa room. Pero parang may party. Madaming nagtatawanan. Bumukas ang pinto. Sinalubong ako ng ngiti ng palabas na babae. Tumigil ang tawanan. Umurong ako ng bahagya. Kumuha ng lakas ng loob. Naglakad ng konti sa hallway. Hindi ko alam kung dapat ako pumasok.

"Dre, dito ka din pala pupunta? Halika pakilala kita kay Monay!" tinapik ako ni Eliar sa balikat. "Sana sumabay ka na sa akin." Tumingin ako sa paligid. Kompleto ang cast. Si Recci, ang professor sa Art Class, si Archie, si Andrea at si Kathy. Bakit sila magkakasama? Inihatid ko na si Andrea pero bakit nakahiga din siya.

"Monay, si Raf. Ang matagal ko ng gustong ireto sa'yo! I'm sure hindi na kayo magkakilala."

"Kilalang kilala ko siya," sagot ni Monay.


-itutuloy...



Para kay Jap

$
0
0


Jap,

Pambihira ang nangyari kanina. Ang inaakala kong isa na namang ordinaryong araw ay magiging kakaiba pala. Hindi dahil sa bagong sweldo o ubos na agad sweldo ko. Basta. Palagay ko hindi na naman maipinta ang mukha mo dahil hindi na naman kita naalala para bayaran ang ilang buwang utang ko sa'yo. Pero maganda na din iyon, at least naalala mo palagi ako. Iisipin mo siguro na alibi na naman ang sulat na ito upang humingi ng extension sa utang. Pero parang ganun na din.


Nakatingin ako sa aking sapatos habang nakadikit ang dalawang kamay sa dingding na salamin. Hindi naman kita sa labas ang ginagawa ko maliban na lang kung ididikit ang mukha sa salamin. Naalala ko tuloy noong estudyante pa tayo. Madalas tayong mag-face the wall sa tuwing mapapasulat ang pangalan natin sa listahan ng maingay. Nakatatawa nga minsan kasi absent naman tayo pero nakalista pa din. Ganun ang itsura ko kanina ang kaibahan ay nakabarong at liston na patalon na ako. Hindi na t-shirt na laba sa superwheel at shorts na abot sa kalahati ng hita.

Tuwing umaga, natural na naglalakad lamang ako papunta sa trabaho. Ginagawa ko kasing exercise ang paglalakad. Hindi naman kasing init ng Metro Manila ang lugar natin kaya hindi pagpapawisan. Tsaka tipid. :)

Ang overpass na na tumatagos sa loob ng Central School na ginawa para maging ligtas ang mag-aaral ay magiging tulay pala ng kapahamakan. Bigla na lamang may lalaking nag-amok at hinabol ang isang babae papasok ng school. Tensyonado ang sunod na eksena dinaig pa ang pag-ilag sa bala ni Coco Martin sa sinusubaybayan kong teleserye sa gabi. Mas malupit din ang linya. Pagkakakitaan ko kung gagawin kong artista.

Sa kwentuhan, mag-asawa daw ang naghahabulan. Walang nakakakilala sa dalawa pero sa sigaw ng lalaki nahuli niyang humaharot ang babae dun sa may kainan. Tricycle driver ang kaharutan kaya nakaharurot agad noong nakitang parating ang original. Kita ko pang nakangiti ang tricycle driver kasi hindi siya naabutan. Ngiting ngiti habang kinakamot ang nunal na may balahibo sa may gilid kanyang labi habang ang mag-asawa ay tinalo ang "Anne-Derek-habulin-mo-ko" scene sa no other woman.

Nauwi sa hostage taking ang eksena. Naging hostage ang haliparot na asawa. "Kaloka. Haba ng hair ni Ate," sabi ng katabi kong bading. Nagkatangka kasing lumapit ang pulis na taga control ng trapik. May hawak kasing balisong ang lalaki at delikadong may madamay na bata. Dumating ang maraming pulis at kinordon ang school. Nagpanic siguro kaya nauwi sa hostage. Umiyak ang lalaki. Matagal na daw niyan alam ang lumalagari ang asawa niya. Kaya hindi na niya nacontrol ang sarili. Nagshare ang hostage taker ng buhay niya. Nakinig ang mga pulis. May nagbigay ng advice.

"Kuya pahingi ng barya. Pambili ng tinapay. Pabirthday lang." Sunod-sunod ang kalabit ng batang kalyeng malinis naman ang pangangatawan. Ilang taon na kaya ang batang ito? Araw-araw birthday niya. Araw-araw ko siyang nakikita at nakapagtatakang hindi niya ako matandaan. Tapos bigla kong naalala ang wallet ko na laman ang pambayad ko sa utang ko sa'yo. Buti na lang hindi ako nadukutan kahit makapal ang tao. "Kuya." Siguro suki ang turing sa akin ng batang ito.

Jap, sa pag-iwas ko sa paghabol ng bata napilitan akong dumaan sa loob ng palengke. Kaya nga hindi ko nasagot ang tawag mo dahil sa kakulitan ng bata. Mas humaba tuloy ang lakarin ko. Buti may ibang branch ang bangko.

Ilang padyak muna ang ginawa ko bago ako pumasok ng bangko saka ko lamang nakita na tumatawag ka. Hindi ko na inabot ang huling ring bago ko nadukot sa bulsa. Nakatapak kasi ako ng kung ano kaya inuna ko munang alisin ang mabahong amoy.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ng guard. Hindi ko na nagawang makalingon. Tumungo na lamang ako at tumingin sa aking sapatos. Idinikit ko ang aking dalawang kamay sa dingding na salamin. Nilimas ang wallet ko. Gusto ko sanang i-request na iwan ang ID ko. Bagong kuha pa naman ang SSS ID ko. Parang mas mabuti pang nagbigay na lamang ako sa bata. Nalimas tuloy ang pambayad ko sa utang.

Sa dami ng tao sa labas wala man lang nakakaalam ng nangyari sa loob. Palibhasa ay konti lamang ang tao sa loob at tanging ako ang walang busal at piring. Ang laman ng kwentuhan ay ang hostage taking kanina na nauwi din naman daw sa patawaran. Hindi na nga daw inimbita ng pulis sa prisinto. Ang mahalaga daw nagkaayos na.

Matagal akong nakaupo sa hagdan ng bangko. Hindi ko alam ang sunod na ikikilos. "Kamusta ka naman hijo? Hindi ka ba sinaktan ng nagpanggap guard?" tanong ng orihinal na guwardya.

"Hindi naman po. Kayo po? May pasa po kayo sa noo."

"Pinukpok kasi ako noong umagaw ng uniporme ko. Hindi ko masyadong namukhaan. Ang tangi kong natandaan ay ang kinakamot niyang nunal sa may labi."

Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot. Siguro iniisip mo nag-aalibi na naman ako. Pangako sa sunod na sweldo makakabayad na ako. Pramis, mababayaran din kita!

-wakas-

Bolahin Mo Ang Lelang Mo!

$
0
0


Paps!

Ikaw ba ay may abilidad na sa paghingi mo lamang ng allowance na nagagamit?
Expert sa pagamit ng salitang mahirap tanggihan?
Kung sa tamis ng dila ikaw ay varsity?
Galing ka ba sa lahi ng may bigote na swabe dumiskarte?
O napadaan lamang at trip lamang na makisakay?

Bakit hindi mo subukan bolahin ang lelang mo?

Bolahin mo lelang mo! May Cool na papremyo!



Hindi ito katulad ng nakasanayan mong contest. Abilidad lamang sa pambobola ang kailangan.
Katuwaan lamang ito pero may COOL na premyo.

Sino ang pwede sumali?

*Bukas sa lahat ng Pinoy sa loob, sulok, at labas ng bansa. (Kung nasa labas ng bansa, kailangan may seksing representative kung sakaling manalo para maibigay ang premyo.)
* Follower ng tuyong tinta ng bolpen sa facebook.
* Isang entry lamang ang pwede kaya siguraduhing final na ang kalokohang ginawa.
* Dapat naidefine ng maayos ang "What is Love" sa slumbook.
*May kopya ng video ni Mang Kanor

Paano sumali?

May tatlong paraan ng pagsali at lahat ay pwede mong salihan pero isang entry lamang bawat category.




First Category (PRIZE : Personalized notebook)

1. Visit and like PAPELito on Facebook.
2. Bolahin ang PAPELito at sabihin kung bakit ikaw deserving manalo ang personalized notebook! Ipost ang inyong entry sa wall. I-tag ang tuyong tinta bolpen sa inyong entry.
3. Para maging exciting, ang mga salitang PAPEL, QUALITY at AFFORDABLE ay present sa inyong entry.
4. Ipost ang inyong entry hanggang Sept 20, 2012.

Second Category (PRIZE : Personalized notebook)

1. Visit and like tuyong tinta ng bolpen on Facebook.
2. Humataw sa pambobola at sabihin kung bakit ikaw deserving manalo ang personalized notebook! Ipost ang inyong entry sa wall.
3. Para maging exciting, ang mga salitang KWENTO, HAROT AT PUSTISO ay present sa inyong entry.
4. Ipost ang inyong entry hanggang Sept 20, 2012.





Third Category (PRIZE : Personalized notebook and DTC Ultra Mobile Phone)


1. Visit and like tuyong tinta ng bolpen on Facebook..


2. Pumili ng isang kwento, linya, o topic mula sa tuyong tinta ng bolpen.
3. Gumawa ng review o blog entry tungkol sa napili. Hindi dapat bababa sa 10 lines/sentences at hindi sosobra sa 30 lines
/sentences ang entry.
4. Maaring gumamit ng sariling blog, hiram na blog, o notes sa facebook. Siguraduhin nakapublic ang notes para maging bukas sa mambabasa.
5. Bawal gumamit ng images.
6. Ipost ang link ng iyong entry sa Facebook wall hanggang Sept 25, 2012.
7. Iutos o pwersahin ang mga kakilala na i-like ang tuyong tinta ng bolpen at ang inyong entry.
8. Most like wins the Personalized Notebook plus keychain. Most Creative takes home the mobile phone. :)


ANNOUCEMENT OF WINNER : October 5, 2012.



This contest is made possible by PAPELito, an entrepreneur/maker of affordable and quality personalized paper products. Bakit ka magtitiis sa mukhang mong pixelated kung kaya naman ng PAPELito mas makinis pa sa tunay mong kutis?

Products:
Personalized notepads & notebooks
Gift Sets
Flat/Folded Cards
Product/Gift Tags
Business Cards
Sticker Labels
Personalized Paper Wrappers
Personalized Desk/Pocket Calendars
Personalized Coloring Books

Subukan mo! Call them baby!

GLOBE: 0906 200 0426
SUN: 0933 533 9383
SMART: 0921 266 5144



Pakiwatch paps!


Chicken Adobo - A Love Story 13

$
0
0
image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Non-stop ang rollback ng alaala na sana ay nangyari na lamang sa presyo ng gasolina. Ang pagreresign ko sa trabaho, pag-alis ng Batangas, ang pagpasok ko sa Art Class, ang pagkakilala ko kay Kathy, ang pagsalubong ng lumilipad na paint brush, ang mabigat na hita ng babaeng warfreak na gumising sa akin, ang kanyang ngiti, ang paglitaw ni Andrea, ang moment at ang kiss lahat ay paikot-ikot sa aking isip habang nakapako ang aking paa sa harap ni Monay.

"Magkakakilala na na kayo?" nalilitong tanong ni Eliar. "Siya ba ang dahilan kaya ka napasugod sa ospital?"

"Baka ibang tao, kuya." Tumingin siya sa kabilang kama. Patay malisya ako. Sino ba sa dalawang taong malapit sa akin ang uunahin ko? Si Kathy ba o si Andrea? Nakapagtatakang iisang tao lamang ang umiikot sa dalawang taong hindi ko man lang nakitang mag-usap.

"Siya ba si Monay?" bulong ko kay Eliar ko.

"Oo.. Pumayat lang pero pangit pa din!"


Naipit na naman ako sa sitwasyong ilang beses kong tinangkang takasan. Hindi ko din inakalang kasama ko pala ang mga taong nasa paligid ko noong ako ay bata. Panahon akala ko ay imposibleng maulit. Parang isang laro. Taguan. Habulan. O kasing simple ng paghila ng goma. Goma ng alaala na hila-hila ko sa matagal na panahon na akala ko ay malapit ng maputol bagkus ay bumalik sa dati nitong itsura - dating mga tao, alaala.


"Madalas kaming magkita. Pero hindi ko naisip o nahalata na siya si Monay.."

"Kasi hindi mo talaga pinapasok sa isip mo. Occupied na. Parang sponge. Kapag puno na hindi na makakaabsorb pa ng tubig."

"Labas muna kami," wika ni Recci. "Mukhang may hindi kami dapat madinig."


Unti-unting naglaho ang mga taong kanina ay nagtatawanan sa loob. Tinapik pa ako sa balikat ni Recci bago tuluyang nagpaalam. Parang ekseana sa klase namin ni Eliar dati, ang late comer palagi ang walang alam. Kami na lang sigurong dalawa ang walang alam.

"Hinintay ko talaga ang pagkakataong ito. Mas gusto kong maghintay ng matagal at umasa kesa mabilisan pero hindi naman sigurado. Pinanghawakan ko ang salita mo noong mga bata pa tayo."

"Patay ka! Sabi ko sa'yo, magbiro ka na sa lasing at bagong gising huwag lang sa batang iyakin!" singit ni Eliar.

"Ikaw ang nasa likod ng mga caricature?" tanong ko.

"Bakit gusto mo malaman?" balik niya sa akin.

"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan pang daanin sa mga drawings. Sa kantyaw sa klase."

"Hindi ako marunong magdrawing. Pumasok lang ako doon kasi nabalitaan ko na papasok sa sa Art Class."

"So hindi ikaw ang gumawa ng caricature?"

Ang maliit na sinulid na nag-uugnay sa aking nakaraan, ngayon ay isang lubid na nagbibigkis sa amin ni Monay. Hindi ko inakala na ang babaeng binibiro kong liligawan paglaki ay siyang kaharap ko sa oras na ito. Bakit nga ba hindi ko nahalata ang mga mata niya at ang maliit na nunal sa may tenga? Nabuo na ang jigzsaw puzzle.

"Sabihin na nating may nagplano pero hindi tumupad sa usapan ang mismong nasa likod nito. Masyado ka kasing suplado, ilang beses kitang nginitian pero hindi mo man lang ako napansin bago pa tayo magkakilala sa Art Class."

"Plano? Sinong hindi tumupad. Si Recci ba?" Umiling siya.

Nakapagtatakang inihatid ko si Andrea sa bahay nila pero kasama siya sa aksidente. Kung magkakilala sina Kathy at Andrea bakit hindi ko man lang sila nakitang nagpansinan? Para akong nasa isang nakahihilong roller coaster ride na kung tutusin ay pwede naman akong hindi sumukay dahil batid kong mahihilo ako. Siguro ganun talaga ang pagmamahal. Kahit marami ng nasaktan, nabigo at napaglaruan ay marami pa din gustong sumubok.

"I heard you're dating Archie's sister. Siya ang hindi tumupad. Nag-usap kami kagabi and she admitted na gusto ka na niya. Siya din ang nasa likod ng mga caricature."

"Archie's sister?" kunot noong tanong ko. "Hindi naman ako nakikipagdate lately."

"Hindi mo kilala? Madalas mo nga kasama."

'Maliban kay Recci wala naman akong ibang nakakasama kundi si Andrea."


Nabalikwas si Andrea sa pagkakahiga. Sa puntong ito hindi na niya kinayang hindi sumabat sa usapang dapat ay kasali siya. "Ako! Kapatid ko si Archie. Ako ang nagplano ng lahat. Tinulungan ko si Kathy para makuha ang atensyon mo. Ang caricature, ang pagpunta sa bar, ang date pero habang pinaplano ko ang lahat ng iyon hindi ko maiwasang maging interesado sa boring mong itsura!"

"Pinaglalaruan n'yo ako? Kathy? Andrea?"

"Hindi. Nagkataon lamang na gusto ka namin pareho!" sagot agad ni Andrea.

Kahit paano naniniwala na ako kay Ermat na gwapo ako sa piling mga angulo. Hindi ko akalain na ang dalawang babaeng nahuhumaling sa sinasabing nilang boring na mukha.

"Woh, wait! Hindi ko kayo maintindihan. Ni hindi ko alam na magkakakilala kayo."

"Pagkahatid mo sa akin sa bahay dumating si Kathy. Lasing na lasing. Nalaman niyang magkasama tayo noong nagkita kami sa CR. Sinubukan ko magpaliwanag pero hindi s'ya nakinig. Nagalit siya. Sinubukan ko siyang habulin pero nauwi sa aksidente."

"Then nandito kami ngayon. Narealize namin na nagpapakatanga lamang kami sa isang lalaki na hindi man lang mapanindigan ang pagiging lalaki. Actually pigtatawanan ka namin bago ka dumating," pagtatapos ni Kathy.

Masakit sa tenga ang nadinig ko. Gusto kong magpakain sa semento o higupin ng hangin palabas ng kwarto. Mali bang dumalaw ako dito? Tatakbo na ba ako? Iiwas.

"Look. Kung may ipinakita man akong mabuti o masama iyon ay ako. Hindi ako nagpanggap sa anumang pinakita ko sa inyo. Hindi ko alam kung napaglaruan ako. Pero kung ano man, hindi ko deserved ang ganito."

"Kung naging maayos, sino kaya ang pinili mo sa amin?" tanong ni Kathy.

"Do I need to answer?" balik ko.

"Yes!" sabat ni Andrea.

"Hindi ko kailangang pumili. Babae kayo di ba? Namimili ba kayo ng mamahalin o kusang nararamdaman?"

"Duwag! Duwag ka kahit kailan Batista!" Duwag nga ba ako? Siguro. Oo. Hindi naman sa siguro masamang maging duwag lalo na kung sa makabubuti. Sa totoong buhay imposibleng matalo ni Panday ang isang batalyong kalaban. Hindi niya pwedeng pairalan ang tapang. Paano kung sa sampung kalaban habang sinasalag niya ang atake mula sa taas ay may makaisip tagain siya sa paa. O kaya may kumiliti sa kanyang tagiliran.

Umiling lang ako at lumabas ng kwarto. Naramdam ako ng guilt. Nagtaksil ba ako? Cheating ba ang tawag kung wala pa naman relasyong nabuo?

Naramdaman ko ang dampi ng kamay ni Eliar ng tatlong beses. Bagay na madalas namin gawin sa tuwing may tumatagilid sa aming dalawa o walang matakbuhan. Nacorner ika nga. "Sorry sa inasal ni Monay. Hindi ko alam na ang pagiging childish ni Kathy ay mauuwi sa ganito. Malaki ang pinagbago niya at ikaw pala ang dahilan."

"May mali din ako. Dapat pinag-araalan ko talaga ang nararamdaman ko."

"Anong plano mo? Aalis ulit? Bro ang paglayo ay hindi sagot. Lumalayo ka lang pero walang nalulutas."

"Hindi ko alam. Mag-iisip muna siguro. Narinig mo naman, ako ang sentro ng tawanan nila bago tayo dumating."

"Bro alam mo naman siguro ang defense mechanism? Kunyari wala lang pero duguan na pala inside. Pag-isipan mo mabuti. Si Kathy gusto ka simula pa lang, si Andrea naman nadevelop. Gwapo mo bro!"

"Mas mabuti pa sigurong umuwi na lang muna ako."

"Hatid na kita."

"Sama ako." Napalingon kami ni Eliar.

-itutuloy..

---------
Note :

Ilang araw na lang ang Bolahin mo ang Lelang Mo!. Magsubmit lamang ang comment pwede ka ng manalo!

The Love Formula - A Charot Story

$
0
0
"Sherie, Mahal kita! Mahal na mahal!" Isang mahabang kaway at matamis na ngiti ang sagot niya sa akin.

Mababa sa isang minuto pa lamang ang aming paghihiwalay pero parang milya na ang aming pagitan. Umani ng sari-saring komento mula sa mga pasahero ng berdeng bus na kanyang sinakyan sa terminal ng Tanauan ang aking pagkakasigaw. Hindi nga naman kayang sukatin sa lakas ang sigaw ang nararamdaman. Pero gusto kong matandaan ng lahat na sa higit isang daang tao sa terminal ay may isang kayang ipagsigawan ang kanyang pagmamahal.




"Hindi ka ba natatakot mahulog?" tanong niya.

"Hindi. Simula noong nakilala kita natuto na akong sumugal. At alam ko namang maganda ang aking babagsakan."

"Gago! Dito sa bubong ang tinutukoy ko!" Siya si Sherie ang babaeng gustong tumambay sa bubong kesa sa aming sala. Ang babaeng madalas manakot na madudulas siya para patayuin ang aking balahibo sa kaba. Tapos bigla na lamang tatawa kahit alam niyang galit na ako.

"Bubong nga! Magandang garden ang babagsakan kung mahuhulog ako. Huwag mo ngang lagyan ng malisya ang sinasabi ko!"

"Hindi magkakaraon ng CPA sa dulo ng aking pangalan kung hindi ko ginagamit ang utak! Alam ko ang iniiisip mo. Huwag mo akong gawing engot." Siya yung taong kayang ipamukha ang lahat ng lamang niya sa akin at makukuha pang pagtawanan pa ang mali ko. Nagagawa niyang hambalusin ako ng kahit anong bagay sa ulo kapag hindi ko makuha ang lesson dati sa school. Paborito niya ang scrabble dahil alam niyang konting english words lamang ang alam ko. Hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon manalo kahit sa larong NBA 2k11 sa playstation. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko pero may kung anong bagay ang nagtutulak na ienjoy na lamang ang panahon magkasama. Balewala lahat ng pisikal na sakit dahil kapag ngumingiti kahit talunan pa ako, hindi pa din maipaliwanag ang saya ko.

"Pero what if, nahulog na nga ako?" seryosong hirit ko habang inaalalayang tumayo.

"San? Dito sa bubong?" tanong niya.

"Engot ka nga!"

Marami siyang bagay na gustong gawin kasama ako. Mahilig siyang magkwento ng mga bagay tungkol sa puno, scientific names, polynomials, kung paano nagtatalik ang giraffe at ang plano niyang sumali sa singing contest kahit ako lamang ang nagtitiis makinig. Maraming weird na bagay kapag kasama siya. Pero kadalasan ginagawa lamang niya iyon para mang-asar at ako ang palaging subject.

"Huwag mo akong tawaging engot nakakahiya sa'yo!"

"Sherie, nainlove ka na ba?" derechong tanong ko.

"Napanood mo na ba iyong cars?" malayong sagot niya. Expert talaga siya sa pag-iwas. Kunyaring nagpapakamangmang.

"Iyong kay Lightning Mcqueen?" sakay ko naman sa kalokohan niya.

"Yup!"

"Anong meron dun?"

"Engot ka nga! Hindi mo pa din gets! Gusto palagi ipapaliwanag."

"Kotse. Karera. Career muna? Ganun? Tama?" Nalungkot naman ako.

"Mali. Kotse nga naiinlove, ako pa kaya..."

"What if..."

"Hatid mo na ko," putol agad ni Sherie sa sabihin ko. Mahirap na naman magbyahe mamaya."

"Tara..."

"Wait CR muna ako..."


"Sherie, Mahal kita! Mahal na mahal!" Isang mahabang kaway at matamis na ngiti ang sagot niya sa akin.

Mababa sa isang minuto pa lamang ang aming paghihiwalay pero parang milya na ang aming pagitan. Umani ng sari-saring komento mula sa mga pasahero ng berdeng bus na kanyang sinakyan sa terminal ng Tanauan ang aking pagkakasigaw. Hindi nga naman kayang sukatin sa lakas ang sigaw ang nararamdaman. Pero gusto kong matandaan ng lahat na sa higit isang daang tao sa terminal ay may isang kayang ipagsigawan ang kanyang pagmamahal.


Tumunog ang cellphone ko. Si Sherie tumatawag. "Umuwi ka na. Ingat.."

Wala man lang reaction. Malabo nga yata talaga. "Ingat ka din."

"Lakas ng loob mo ah. Nasa takip ng toilet bowl ang sagot ko. Nakasingit. Baka aabot ka pa bago malusaw."


Dali-dali akong pumasok ng CR at nakita ko ang papel na nakasingit sa may toilet bowl. Kakaiba talaga si Sherie. Wierd. Loko. Engot. Mahal ko.

Excited kong binuksan ang papel pero na panganga ako sa nakasulat.

solve the equation.. 

[(−2x³ − 15x² − 6x + 7)+ 7³]=y


where x = 3

Strictly no cheating.

Kahit nahihiya akong magtanong sa kapatid kong bunso napilitan akong i-pasolve ang equation.

"Bunso, anong sagot dito." Iniabot ko ang papel na may nakakaasar na equation..

Hindi tumagal ng isang minuto nasagot agad niya. Napangiti ako sa sinulat niya sa dulo ang sagot sa equation. "143 kuya."

"Recheck mo! Dali!"

"Madali naman 'to kuya e!"


-end-

Tindahan

$
0
0
Halika.
May benebenta ako.
Bago. Luma. Sira.
All-in one.

Gusto mo ng maskara?
Hindi kumukupas.
Kahit araw-araw suot.
Bagay sa'yo.
Para hindi na magpanggap.


May sando.
Tatak Lacoste.
Yung may buwaya.
Orig at dumadami pa.
Bagay sa pulis na kakilala.


Tuluyang komiks.
Patok to!
Parang korupsyon sa gobyerno.
Tuloy-tuloy at mapapamura ka!

Song hits. Orig. Tinagalog.
Plagirisim?
Huwag matakot.
Senador nga nangongopya.

Puppet?
On going na.
Buong pamilya pa!
Mula tanod hanggang senador.

Robot madami!
Programmable.
Hindi sumusuway.
Pwedeng gawing asawa.

DVD, CD, VHS, Betamax. Plaka.
Clear copy.
Kahit paulit-ulit.
Parang lovelife mo!

Trade-in accepted!
Walang tapon.
Basta may value.
Mula inodoro hanggang biyenan!


Shop na!
Personalized.
May hand-made at automated.
Realistic pa!

My Short Love Story

$
0
0
"Hazel, may sasabihin ako..." Sa wakas dumating ang puntong hinihintay ko. Ang moment na tatapos sa lahi ng torpe. "Alam mo sa kabila ng lahat ng nangyari mahal na mahal pa din kita."

"Ako muna! Mahal na mahal kita, Aries. Dapat talaga nakinig na ako sa'yo. Sundin ang puso ko!"

Parang umawit bigla ang mga anghel.
Nakakagulat. Parang jester biglang lumitaw galing sa kahon.
O kaya isang magic.




Hindi ko akalaing madidinig ko ang mga salitang iyong kay Hazel. Buti ready ako. May bulaklak na nga. Naiwan ko lang sa sinakyan kong tricycle.

"Talaga?" duda ko pa. Nagliwanag ang mata ko. Parang batang na-delight sa lobong likha ng sabong panglaba. Niyakap ako ni Hazel. Mahigpit. Yumakap na din ako. The feeling is mutual. Naabsorb ko bigla ang meaning ng kantang till there was you.

Noong isang Linggo lang parang waterfalls ang mata n'ya. Iniiyakan si Theo. Mabuti sana kung patay. Palibhasa katabi ko sa upuan, palaging ako ang hingahan. Kakwentuhan. Hingian ng payo. Kapag humigpit na ang hawak sa aking kamay siguradong iiyak na. Palaging ganun. Hindi naman magpakopya sa exam.

Nitong mga huling araw palagi na kaming magkasama. Enjoy nga e! Kahit talo sa perya. Nakita ko na ulit siyang nakangiti. Two rice na ulit sa inasal. Hindi na naglalasing sa mogu-mogu.

"Salamat talaga, Aries. Kung hindi dahil sa'yo malamang hindi kami nagkabalikan ni Theo. Sinunod ko ang puso ko! Napakabuti mong kaibagan. I love you. Walang iwanan ha?"

"Ganun pa. Mahal kita e. Kaya hanggat kaya susuporta ako sayo.. Kahit alam kong nagpakatanga ka na."

"Ano nga ulit sasabihin mo?"

"Wala. Kokopya sana ako ng assignment."

Parang umawit bigla ang mga anghel. Nakikidalamhati.
Nakakagulat. Parang jester biglang lumitaw galing sa kahon. Isang malaking joke.
O kaya isang magic. Lahat hindi makatotohanan.

"Bakit may pamahal mahal ka pa d'yan!"

"Need syempre ng konting bola."


-end-

Yakap sa Puno - Maikling Kwentong Pambata

$
0
0

"
"Anak, baka mahuli ka na. Bumangon ka na d'yan." Hindi lamang higit sa tatlong ulit nakiusap si Mia para bumangon mula sa higaan ang anak. Ngayon ang itinakdang araw ng paaralan para dumalaw sa bahay-ampunan ang mga estudyante ng Padre Garcia Day Care Center. Karaniwang ginagawa ang pagdalaw sa ampunan bago magtapos ang mga bata.

"Ayoko naman po sumama. Wala naman po ako gagawin dun," sagot ni Jonathan habang kinukusot ang mata.


Hinaplos ni Mia ang buhok ni Jonathan kasunod ang buntong hininga. Alam niyang minsan ay matigas ang ulo ng anak kaya gusto niyang ipaunawa dito kalahagahan ng pagbisita sa ampunan. "May matutunan ka doon anak. Hindi ordinaryong pamamasyal lang ang gagawin sa bahay-ampunan. May mga bagay na dapat mong malaman at maintindihan gaya ng kawang-gawa. Mas mabuting malaman mo kung bakit may mga taong bukas sa kawang gawa."

"Kung tutuusin po swerte pa sila kasi may tirahan at kumukupkop sa kanila hindi tulad ng mga batang nasa lasangan," katwiran naman ni Jonathan.

Napabuntong hininga muli si Mia. Humigpit ang hawak ni Mia sa kopya ng mga larawan nila ng kanyang asawa nang minsan silang dumalaw sa ampunan. Ipakikita sana niya kay Jonathan kung gaano kasaya ang mga bata sa tuwing may dumadalaw. "Makinig ka anak, hindi ordinaryo ang tumira sa bahay-ampunan. Wala sigurong batang gaya mo ang pipiliing tumira doon lalo na't nahihirapan kang bumangon. Subukan mo lang. Masarap makisalamuha sa gaya nila. Madalas silang nakangiti."

"Sasama po ako kung papasyal tayo sa mall sa Sabado at bibili ng bagong sapatos para sa kaarawan ko!" Tatlong araw mula ngayon ay anim taong gulang na si Jonathan. Matagal na niyang hiling ang bagong sapatos kaya nais niyang magkaroon nito bilang regalo.

"Sige. Pero dapat may kwento ka pag-uwi mo dito." Mabilis na kumilos si Jonathan upang ayusin ang sarili habang naiwang nakangiti si Mia.


Habang nasa byahe hindi kinakitaan ng interes si Jonathan sa pupuntahan. Sa isip niya, mas masaya pa siguro kung mga hayop na lamang sa zoo ang kanilang dadalawin. Batid niyang mas maswerte siya kumpara sa mga bata sa ampunan at alam niyang hindi biro ang lumaking walang magulang. Maguguluhan lamang ang isip niya dahil pagkatapos niyang dumalaw ay wala naman siyang magagawang tulong sapagkat bata lamang din s'ya.

"Jonathan! Handa na ba ang ibibigay mong regalo sa mga bata?" usisa ng kaklase niyang si Sam. "Laruan sana ang dala ko pero sabi ni Mama damit na lang daw para matagal pakikinabangan."

"Mga lumang libro ang dala ko. Mga ginamit nating libro dati ang ipinadala sa akin ni Mama," sagot naman ni Jonathan.

"Malapit na tayo! May inihanda daw programa ang ampunan para sa atin! Sana magkaroon ako ng bagong kaibigan!"

Sinalubong ng isang kanta ang mga estudyante pagbaba nila ng sinaksakyang bus. Isang programa ang itinanghal ng mga bata sa ampunan at gayon din naman ang mga estudyante. Nagkaroon din ng salo-salo matapos ay ang bigayan ng mga donasyong gamit, laruan, damit at libro.

Habang lahat ay nagsasaya, napansin ni Jonathan mula sa bintana ang isang batang nakayakap sa puno ng mangga. Hindi niya alam kung pinarurusahan ito dahil may katagalan na ang pagkakayap nito sa puno at hindi nakikiisa sa programa. Kumuha ng pagkain si Jonathan at sinubukang lumapit sa bata. Malamang gutom na ito.


"Bakit yakap-yakap mo ang puno ng mangga?' tanong agad ni Jonathan. "Kumain ka na muna."

"Halika! Tulungan mo muna ako!" sigaw naman ng bata. Hindi man lang nilingon o pinansin ng bata ang dalang pagkain ni Jonathan.

"Ha? Anong gagawin ko?" pagtataka ni Jonathan.

"Tulungan mo akong yakapin ang puno!"

"Bakit?"

"Basta! Yakapin mo muna bago maubos ang dahon!"

"Titigil ba ang pagbagsak ng dahon kung yayakapin natin ang puno?" Naituro na sa klase ang life cycle ng puno at hindi man lamang nasabi ng guro na kasama sa cycle ang pagyakap sa puno.

"Oo! Sabi ni Mang Ruben parang tao din daw ang puno at halaman. Bagamat hindi sila marunong magsalita nararamdaman at naiintindihan nila tayo."

Naintindihan ni Jonathan kung bakit may pagkakataong kinakantahan at pinupuri ng Mama niya ang mga alaga nitong katleya. "Sino si Mang Ruben?"

"Siya ang hardinero dito. Mula noong nagkasakit siya nawalan ng tagapag-alaga ang puno ng mangga."

"Kailangan pa bang alagaan ang ganitong kalaking puno?"

"Para mas lumago. Dati may mas malaking puno pa dito. Tanda ko pa na umuulan noon, isang malakas na kidlat ang tumama sa puno! Nakakatakot! Iyak nga ako ng iyak. Sabi ni Mang Ruben kung wala daw ang malaking puno, ang ampunan ang tatamaan ng kidlat. Sinalo naman ng punong ito ang nabuwal na puno. Nanay nito ang tinamaan ng kidlat, nagawang isakripisyo ang buhay niya para sa anak."

"Nakakatakot nga! Hihigpitan ko pa ang yakap para tumigil ang pagpatak ng dahon."

"Umiiyak siguro ang puno kaya nanlalagas ang dahon. Ganitong panahon kasi nawala ang nanay n'ya. Nakakabilib. Kahit pala puno ay kayang gumawa ng ganoong bagay."

"Buti na lang nandito ka para alagaan siya! Mahirap pa naman ang mag-isa. Lalo kapag malakas ang kulog at kidlat."

"Kaya kailangan natin siyang yakapin para maramdaman niyang may nagmamahal sa kanya. Maramdamang hindi siya nag-iisa. Gustong kong ibigay ang pagmamahal na hindi na niya maradamanan mula sa magulang. Tulad ko, may mga dapat akong ipagpasalamat dahil inaruga ako ng ampunan kahit hindi nila ako kamag-anak. Ang ampunan na ang pamilya ko at ang punong ito naman ang kaibigan ko! Utang ko sa kanila ang aking buhay."

"Siguro nalulungkot siya dahil wala siyang kasamang puno dito."


"Tatlong araw ko ng niyayakap ang punong ito kaya hindi ako kasama sa programa. Ako nga pala si Andoy."

"Ako naman si Jonathan. Hindi ka napapagod sa ginagawa mo?"

"Pagod? Hindi nakakapagod ang magmahal. Pagmamahal ang nagpapaikot ng mundo sabi ng mga madreng dumadalaw dito. Kaya daw umiikot ang mundo dahil mahal tayo ng Diyos."

May naramdaman si Jonathan sa sinabi ng batang kausap. Naantig siya sa pagmamahal ng bata sa puno. Naalala niya ang kanyang mga magulang. Kahit may katigasan ang kanyang ulo ay hindi napapagod magmamahal ang mga magulang niya.


Lingid sa kaalaman ng dalawang bata ay nakatanaw ang pinuno ng ampunan at ang punong guro ng mga eskwelang dumalaw sa kanilang dalawa. Nakamasid sila sa kakatwang itsura ng dalawang batang nakayakap sa puno ng mangga.


"Pagpasensyahan ninyo na po si Andoy kung pinayakap niya sa puno ang isa sa inyong estudyante. May kakulitan ang batang iyon pero mabait naman," wika ng pinuno ng ampunan.

"Bakit nga po ba niya yakap-yakap ang puno?" usisa ng guro ni Jonathan.

"Dati may mas malaking puno pa diyan. Nagka-trauma ang bata sa kidlat na tumama sa mas malaking puno. Kung wala ang yakap ni Andoy na puno malamang nabagsakan ang kwarto niya ng malalaking sanga. Kaya malaki ang pasalamat niya sa punong iyan. Sa tuwing babagsak ang mga dahon sa puno ng mangga, natatakot siyang matuyot o mamatay ang puno kaya palagi niya itong niyayakap."

"Nakakabilib ang batang 'yan!"

Bago umalis ay ibinigay ni Jonathan ang dalang libro kay Andoy. Bukod sa pwedeng paglibangan ay maari niyang basahan ng mga kwento ang puno tulad ng ginagawa ng magulang ni Jonathan sa kanya.

Nakangiting dumating ng bahay si Jonathan. Halos hindi maitago ng labi niya ang kanyang ngipin sa saya.


"Kamusta naman? Mukhang nag-enjoy ka ah." Mahigpit na yakap ang salubong ng bata sa ina at hinalikan pa sa pisngi. "Nakausap ko na ang Papa mo. Sasamahan ka niya sa pagbili ng sapatos."

"Nagbago na po ang isip ko. Ayoko na po ng sapatos," sagot ni Jonathan.

"Ano? May iba ka ng gusto?" nalilitong wika ni Mia.

"Opo. Gusto ko pong mag-alaga ng mangga. At kapag medyo malaki na ay dadalhin natin sa ampunan."

Ikinuwento ni Jonathan ang batang nakita niyang nakayakap sa puno ng mangga. Marami siyang natutunan tulad ng pagpapahalaga at magmamahal sa mga nakapaligid sa kanya.

"Mahal ko kayo ni Papa," pagtatapos ni Jonathan.

Abot langit ang pasasalamat ni Mia sa sinabi ng anak. Matapos patuluyin sa kwarto ang bata ay masaya niyang binalikan ang mga lumang litrato ng lugar na kanyang pinanggalingan. Ang ampunan.



-wakas-





Lahok sa kategoryang Maikling Kwentong Pambata  sa Saranggola Blog Awards 4.


hatid  ng mga sumusunod  



                        
                         

Pink Library - Maikling Kwento

$
0
0
Babalik ako sa aking kinalakihang lugar bitbit ang kapirasong papel na sana ay maghahatid ng saya sa aking mga magulang kung mas maaga kong nakuha. Nakatingala ako sa matarik na daan pauwi habang nagdadalawang-isip kung kaya bang dalawin ang aking ama.

Pitong taon kong hindi nasilayan ang upuang yari sa puno ng sampalok sa may terminal ng jeep. Nakangiti ako habang hinahaplos ang detalye ng hinating troso. Napabuntong hininga. Hindi ko akalaing hihilahin pa ako pabalik ng aking paa sa lugar na itinakwil ko na.


"Alas tres pa daw ang byahe paakyat," wika ng babaeng tumabi sa akin habang ang anak niya ay nahiga muna sa kabilang upuan. "Napaaga tayo masyado."

"Oo nga po. Nagbakasakali lamang akong baka umabot sa sinundang byahe."

"Buti naman at nagkalakas ka na ng loob bumalik dito."


Isang tipikal na araw ng Biyernes ang bigla na lamang nagpabago ng aking paniniwala. Isang pangyayaring nag-utos sa akin na ilagay ang mga damit sa maletang nakatago sa ilalim ng kama. Isang sitwasyon na bumura ng lahat ng galit sa aking dibdib. Nasa may pintuan na ako nang maisip kong balikan ang papel na naging dahilan ng aming alitan. Ang papel na sana ay kinuha ko lamang sa loob ng apat na taon na sa halip ay naging anim. Ang aking diploma. Hindi pa siguro huli upang humingi ng tawad.

"San Miguel Rural Bank, Loans Department magandang hapon." Mula pa kaninang umaga puro reklamo ang natanggap kong tawag. Uuwi na sana ako nang bigla na lamang muling tumunog ang teleponong gusto ko ng buhusan ng kape.

"Magandang hapon. May natanggap akong sulat tungkol sa redemption para sa aking pagkakautang. Maari mo ba akong bigyan ng kwenta ukol dito?"

"Bago po tayo magpatuloy, maari ko bang malaman ang inyong pangalan?"

"Mary Jane Bermudez."

"Ma'am Bermudez, maraming salamat. Ako naman po si Randy. Titingnan ko po sandali ang inyong balanse para mabigyan ko kayo ng angkop na sagot."

Napailing na lamang ako nang makita ang pagkakautang ng kausap ko sa telepono. Higit na sa dalawang taong hindi nahulugan, walang tugon sa mga naunang sulat na ipinadala tungkol sa atrasadong pagbabayad at umabot pa sa pagkaremata ng lupa nilang tinitirikan. At ngayon bigla na lamang susulpot para sa isang redemption o palugit bago tuluyang paalisin sa lugar.

"Tawagin mo akong Miss Jane. Miss Jane ang tawag sa akin ng mga dati kong estudyante. Gusto kong maalala ako sa pangalan na iyon."

"Miss Jane, makabubuti pong mag-usap po tayo ng personal bukas tungkol dito."

"Medyo malayo ang bangko kung pupunta ako diyan. Hindi ko pa kaya ang mahabang byahe."

"Ako na lamang po ang pupunta sa lugar ninyo bitbit ang mga papeles."

"Maari mo akong puntahan sa St. John College tutal mag-aayos ako ng retirement. Magkita na lamang tayo doon matapos ang tanghalian."


Hindi na ako nagdalawang-isip puntahan si Miss Jane kinabukasan. Bagamat may kalayuan nga ang byahe ay pinilit kong puntahan. Magandang pagkakataon para takasan sandali ang stress na sumasalubong sa akin sa opisina. Tinapos ko muna ang kailangang papeles bago ako nagtungo sa eskwelahan.


"Magandang araw, nandyan po ba si Miss Jane?" bati ko sa guwardya sa may lobby.

"Sino po sila? Itatawag ko lamang po sa opisina," tugon naman ng guwardya.

"Randy Villegas. Sa Rural Bank pakisabi."

"Pumunta na lamang daw po kayo sa kanyang opsina sa library." Itinuro ng guwardya ang daan papunta sa aking pakay. Nakakatawang ang buong paaralan ay dinodomina ng sagisag nitong kulay berde pero ang silid-aklatan ay nag-iisang kulay rosas. Hindi man lang umangkop ang kulay nito sa tingkad ng katabi nitong gusali.

Sinalubong ako ng ngiti ng aking kausap. Wala pa sa kanyang itsura ang pagreretiro. Iniabot ko sa kanya at ipinaliwanag ang kwenta ng kanyang pagkakautang pati na din ang mga posibilidad kung hindi mabayaran ang halaga sa takdang araw.

"Plano kong ibayad ng buo ang makukuha ko sa aking pareretiro. Mahirap mawalan ng tirahan. Ayokong pulutin kaming mag-ina sa lansangan."

"Bakit po ba bigla na lamang napatigil ang inyong paghuhulog?"

"Namatay ang asawa ko kaya hindi nahulugan ng maayos. Isa pa, ginamit talaga ang pera upang pangtustos sa pagpapagamot niya. Hindi naman kaya ng aking sweldo bilang librarian ang buwanang hulog sa bangko. Naisip kong ang pagreretiro ang pinakamabisang sagot. Malaki din kasi ang matatanggap ko."

Hindi ako makahugot ng tamang salita para sa aking kausap. Mahirap maipit sa sitwasyong ganito lalo kapag nangingibabaw ang awa sa policy ng bangko. "Babalik na lamang po ako kapag naihanda n'yo na po ang mga kailangang papeles para maasikaso ko ng mabilis ang inyong redemption."

"Maraming salamat, Randy. Buti hindi ako nag-alinlangang tawagan ka noong matanggap ko ang sulat. Samantalang ang mga naunang paalala ay hindi ko man lamang naisip buksan. Hulog ka ng langit sa akin."

Ngumiti na lamang ako. Kung tutuusin simpleng bagay lamang at bahagi ng trabaho ko ang aking ginawa. Bumalik ako ng bangko pagkatapos naming mag-usap. Pinag-aralan kong mabuti ang magandang payment option kung hindi kaya ng isang bayaran.

May mga pagkakataong tinatawagan ako ni Miss Jane sa opisina. Bukod sa pagkakautang ay pinag-usapan din namin ang pamilya. Ang pagmamahal niya sa kanyang anak at pag-alis niya sa St John. Naikwento ko din ang sama ng loob ng aking ama. Ang pagloloko sa pag-aaral dahil sa ipinilit ang kursong hindi ko naman gusto at ang pagtakas ko sa obligasyon bilang anak.

"Randy, ang buhay ay parang aklat kapag nasira pwede ulit ayusin. Kahit umabot sa puntong akala mo wala na itong silbi mauusisa mo sa bandang huli na may mga bagay kang natutunan mula dito. Huwag mong isara ang aklat ng buhay mo. Hayaan mong maging makabuluhan ang bawat pahina nito."

Sa bawat araw may sundot sa puso ang sinasabi ni Miss Jane. Hinanap ko bigla ang kalinga ng magulang na matagal ng nawala. "Paano po kung hindi ako tanggapin? Kung ang bawat bakas ko ay ikahiya nila?"

"Kailan mo huling sinubukan?" Umiling ako. Natatakot ako. "Huwag kang matakot sumubok. Kahit ang pinakamahinang bata ay hindi natakot tumayo."

“Pag-iisipan ko pong mabuti ang mga sinabi ninyo. Marami pong salamat.”

“Pasensya ka na kung medyo makulit ako. Naiinip kasi ako  dito sa bahay. Sa’yo napalagay ang loob kong makipagkwentuhan lalo pa’t gabi madalas ang pag-uwi ng aking anak.”

“Naku! Napakaswerte ko nga po at nakilala ko kayo.”


Tatlong araw pa ang lumipas nang bigla kong naramdamang parang may kulang. Wala na ang tawag sa teleponong madalas kong abangan bago mag-uwian. Ang mga salitang umaalis ng pagod ko sa buong araw na trabaho. Ang mga kwento, buhay at pagkakahalintulad nito sa mga aklat. Pinalipas ko pa ang ilang araw bago ako muling bumalik sa eskwelahan. Walang sumasagot sa numerong ibinigay sa akin ni Miss Jane kaya napagdesisyunan kong magbakasakali sa St John.


"Nandyan po si Miss Jane?" tanong kong muli sa guwardya.

"Ilang araw na po siyang hindi dumadaan dito. Baka po nasa ospital."

"Ospital?" nalilitong tanong ko. "Anong sakit niya? Wala siyang nabanggit sa akin."

"May breast cancer po si Miss Jane. Nakakaawa nga po. Parang dominong itinumba ng kanser ang kanyang pamilya. Buti na lamang may isa pa siyang anak na tumulong sa kanya. Scholar iyon at nagtatrabaho para ang pera niya mula sa scholarship ay maibigay kay Miss Jane."

Hindi agad ako nakagalaw sa sinabi ng guwardya. Nakakagulat. "Higit isang oras kaming magkausap ni Miss Jane sa bawat araw hindi man lng niya nabanggit na may sakit siya. Nakakaawa naman."

"Alam ng lahat ng estudyante at empleyado ang kalagayan niya. Kaya nga kulay pink ang library bilang suporta sa kanya. Para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa."

Napailing na lamang ako. "Kailan pa?"

"Matagal na po. Higit isang taon na. Mahal siya ng mga tao dito. Sa katunayan ang ang mga nanay ng estudyante dito ay nag-aagawan ng oras makausap lamang siya. Kwento pa nga ni Miss Jane hindi niya naranasan mawalan ng pagkain sa ref kahit hindi naman siya namimili. Iba kasi siya. Hindi mo iisipin na may sakit! Ang pagkakamali para sa kanya ay isang positibong bagay dahil ito ang tutulong umangat ang isang tao."

Napalitan ng paghanga ang awa ko kay Miss Jane. Sa bandang huli hindi pera ang susukat ng pagkatao kundi pakikisama. Tipong ibang tao na ang kikilos para sayo ng walang kapalit na hinihingi.

"May isa pa akong napansin. Nagkataon lang bang ganyan ang uniform nila kapag Biyernes?"

"Wash day po ang Friday. Maari po nilang suotin ang gusto nila basta hindi labag sa policy ng eskwelahan. Kagustuhan na lamang po ng mga estudyante na magsuot ng pink bilang suporta kay Miss Jane."

Tinapik ko ang guwardya bago umalis. Bahagya pa akong napangiti nang mapansing pati ang sumbrero niya ay kulay rosas. May mga taong kakatok sa buhay natin na kung hindi patutuluyin ay hindi malalaman ang kahalagahan nito.



"Magbabayad po," wika ng babaeng bigla na lamang sumulpot sa aking harap. Hindi ko man lang napansin ang kanyang pagdating.

"Pangalan po nila?" tanong ko. "Alam ninyo po ba ang inyong account number?"

"Kay Mama po. Mary Jane Bermudez."

"Miss Jane? Kumusta siya?!" Napatayo ako sa aking upuan at buong siglang hinarap ang babaeng hindi ko man lang tinapunan ng pansin kanina.

"Nagpapagaling na po siya.” Ngumiti ang babae. “Positibo naman po ang resulta ng huling gamutan. Hindi na niya kailangan pang manatili sa ospital o magpa-chemotherapy."

"Saglit lang ha. Ihahanda ko lamang ang papel. Kailangan niyang pumirma para sa Cancellation of Mortgage."

Nakangiti ako buong araw matapos ang dalang balita ng anak ni Miss Jane. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang dalawin. Hindi ako mapakali. Tila pinaglalaruan ako ng kamay ng orasan at lalo nitong binabagalan ang kilos. Pagpatak ng alas singko ng hapon mabilis pa ang lakad ko sa naiihi. Hindi na ako nagdalawang isip pang dalawin si Miss Jane.


"Noong nalaman kong may cancer ako, akala ko tapos na. Wala na. Pero hindi pala. Para ngang blessing pa. Kung hindi ako nagkasakit hindi ko malalaman na marami palang nagmamahal sa akin. Hindi ko naramdamang nag-iisa ako. Ang anak ko? Natatawa nga ako kasi gaya mo siya. May katigasan din ang ulo at pinag-awayan namin ang kursong gusto ko para sa kanya. Tapos nitong nakaraan nabalitaan kong nagpatattoo siya sa dibdib."

"Ma, ibuking pa ba?" reklamo ni Abby.

"Siguro po ang pagpapatattoo ang hindi ko kayang gayahin. Takot po ako sa karayom," pagbibiro ko pa.

"Iyon nga din ang iniisip ko tapos kababaeng tao may tattoo sa dibdib. Pero noong nakita ko ang tattoo niya, naiyak na lamang ako. Pangalan ko at isang maliit na pink ribbon sa ibabaw. Tiniis niya daw ang sakit dahil alam niyang mas masakit pa ang pinagdadaanan ko."

Napatingin ako kay Abby. Naramdaman ko ang aking mga pagkukulang sa aking mga magulang at kapatid. Natakot ako sa obligasyon, sa kanilang mga inaasahang hindi ko kayang ibigay at pagtupad ng pangarap ng aking ama kapalit ang kaligayahan ko. Ang luhang kanina ko pang pinipigilan ay bigla na lamang gumawa ng sariling daan sa aking pisngi.

“Subukan mo. Ito na ang tamang panahon Randy.” Ikinulong ako ni Miss Jane sa kanyang na parang isang anak. Pinatahan. Inunawa.

Buwan pa ang lumipas bago naaprubahan ang aking bakasyon. Bitbit ang aking diplomang pupuno sa bakanteng pako sa dingding ng aming bahay ay napagpasyahan kong umuwi.

"Miss Jane, tara na po. Sakay na po tayo." Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko sa aking pag-uwi.

Sinalubong akong ng mainit na yakap ng aking mga magulang. Kahit hindi na ako magsalita alam kong nakamit ko na ang pagpapatawad. Tama si Miss Jane hindi dapat ako natakot sumubok. Kung hindi ako nagkamali hindi ko mauunawaan ang tama. Hindi ako matututo. Sinimulan ko ng buksan ang panimulang bahagi ng aklat ng buhay ko kasama ang mga taong mahal ko. Ipinakilala ko si Miss Jane sa aking mga magulang at mabilis naman nilang nakagaanan ng loob.

Kumuha muna ako ng bwelo bago ko ipinakilala ang anak ni Miss Jane. "Itay, si Abby po, girlfriend ko." Tumango si itay kasunod ang matamis na ngiti.



-wakas-



Lahok sa kategoryang Maikling Kwento  na may temang Lakbay sa Saranggola Blog Awards 4.


hatid  ng mga sumusunod  



                        
                         

Congrats - Isang Kwento ng Pagharot

$
0
0
Gumuguhit pa sa aking sintido ang tama ng emperador lights na ininom namin kagabi.
Sa dami ng boteng nakataob sa labas ng bahay ay hindi nakapagtatakang abutin ako ng tanghalian sa higaan. Kung hindi pa inaagaw ng liwanag ang magdamag na kasiyahan ay hindi pa magkapagpapasyang mag-uwian.

Hindi pa malinaw sa akin paningin ang saktong oras. Tanging ang init sa sumusunog sa aking malaporselanang kutis ang nagdidikta na kailangan ng bumangon. Una kong hinagilap ang aking cellphone para makibalita kung nakauwi ba ng maayos ang aking mga kaopisina. Sana okay naman lahat.


Congrats!?. Hindi ko alam kung magtataka, magugulat o ngingiti ako sa natanggap kong text message. Hindi ko pa nabubuksan pero bumungad na preview ng aking inbox ang madaming congrats mula sa iba't ibang tao.

Congrats ang bati ni TL. Dahil siguro lumabas na daw resulta ng revalida at pinalad kaming nakapasa. Halo-halong emosyon. Napangiti ako. Na-excite. Nabunutan ng tinik. Natapos din ang kalbaryo namin sa pag-intindi ng pag-ikot ng photocopier. Kinabahan daw si TL ng sobra dahil halos walang techie sa grupo namin. Buti na lamang nadaan sa gandang lalaki.

Congrats na may demonyo pang ngiti ang buladas ni Oscar. Malamang masaya siya para sa aming grupo dahil hindi kami magtitiis sa kapirasong kwarto na tinutuluyan namin sa may gilid ng Makati City Hall. Hindi na namin mararamdaman ang mainit na hangin mula sa electric fan. Higit sa lahat magkaroon na ng kasamang pulutan ang mga susunod na inuman.

Congats din ang message galing kay Harvey. Binati niya siguro ako dahil tatahimik na ang buhay ko. Sa wakas hindi na matotorete ang tenga ko sa mga tanong ni Harvey. Natuldukan na pag-uusisa niya kung bakit kailangang bigyan ng barya ang tumulong magbuhat ng aming maleta at pati na din ang mga tambay na naglalagay ng batong tapakan sa gilid ng City Hall sa tuwing may baha samantalang hindi naman uso ang ganun sa Batangas. Pati logic ng mas maunlad na bayan ay mas kulang ang tao sa disiplina ay inusisa. Buti na lamang satisfied siya sa sagot kong "ewan".


Congrats mula kay ermat. Hindi ko alam kung anong drama ang trip niya at talagang nagtext pa. Hindi naman niya inugali ang itext ako kahit abutin pa ako ng umaga sa ibang lugar. Kung tutuusin pagbukas ko ng pintuan ng kwarto imposibleng hindi niya ako masasalubong. Siguro dahil sa wakas mababayaran ko na ang inutang kong budget sa pag-aapply at training. May katulong na siya pagbabayad ng bill sa kuryente at mararamdaman ko na din kung bakit palagi niyang binubulyawan ang bunso kong kapatid na mas madalas pang buksan ang ref kesa kanyang notebook.


Hindi ko agad binasa ang message nila. Una kong hinanap ang baka natabunang message galing kay Magie. Napangiti pa ako nang makita ang mesage niya kahit kapiraso lamang palang smiley. :)

Isang buwan ang itinagal namin sa training. Hindi dahil slow kami kundi required ng company. Tango lamang kami ng tango sa process ng photocopying pero bagsak palagi sa exam. Alam kong delikado ako sa training kaya naghanap ako ng paraan. Mahirap ang mauwi sa wala. Mababaon ako lalo sa utang. Buti na lamang nadiscover ko na may gold sa aming grupo. Si Magie. Kaya noong mga sunod na exam pasado na ako. Nagreview ako kasama siya pero kapag medyo mahirap napipipilitan akong mangopya. Konti lang naman. Slight lang. Nagsasagot naman ako base sa natutunan ko kaya nga lang palaging mali.

Kasama sa budget ko ang merienda ni Magie. Minsan nga niyaya ko siya magkape matapos ang review. Syempre treat ko. Hindi ko alam kung bakit excited siya at nagbihis pa talaga.

"Tara!" nakangiti pa siya at hinila agad ang aking kamay.

"San?" nalilito kong tanong.

"Akala ko magkakape tayo?"

"Oo nga." Ewan ko ba kung bakit bigla na lamang sumimangot nang iabot ko ang tasa ng kape. Ayaw niya siguro ng with brown sugar. Kaya siguro nagtitimpla na ng kusa noong mga sumunod kong pagyaya.

"Alam mo ba kung ano ang masarap sa kape?" tanong ko.

"Caffeine kaya nga addictive e," sagot niya.

"Ang masarap sa kape ay iyong may kasama ka habang umiinom. Tipong kahit wala kang hilig sa kape you tend to drink kasi you want to value the time you spent together lalo na kung special ang taong iyon sa'yo."

Kung tatanungin ako kung anong natutunan ko sa aming training ang isasagot ko ay mahalin si Magie. Anong connect? Ewan ko din. Guilty nga agad ako kung may nagtatanong kung gusto ko si Magie. Ngiti pa lang obvious na. Natutunan kong magnakaw ng tingin, magtupi ng training materials para gawin flowers, magcompose ng sweet quotes, maging corny at higit sa lahat natutunan kong magmahal.

Habang ang lahat ay nagpapakalunod pa sa alak kagabi ay inihatid ko si Magie papunta sa sakayan. Hindi siya pwedeng magpaumaga bukod pa sa hindi pa kumakain ang alaga niyang poodle ay may curfew hours sa tinitirhan niyang apartment.

"Pwede mo ba akong samahan maglakad?" malambing pang request ni Magie kahit alam naman niyang handa ko siyang pagbigyan.

"Sure! Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan. Maglalakad lang muna tayo."

Naglakad lamang kami hanggang makarating sa dulo ng subdvision. Naupo kami sa malaking bato sa tabing daan. Tumingala. Tumungo. Naglaro ng damo. Hindi ko alam ang trip niya kaya sinakyan ko na lang. Iniisip kong may problema siya at naghihintay lamang ng pagkakataong mailabas. Huwag sanang pera dahil wala din ako.

"May problema ba?" tanong ko habang kapwa namin pinapanood ang paggalaw ng buntot ng kalabaw na nakahiga sa tabi ng puno.


"Pwede mo ba akong halikan. Naguguluhan na kasi ako. Gusto kong makatiyak kung may feelings na talaga ako sa'yo. Gusto kong maramdaman kung may something na o ordinary lang. Akward 'to pero this is how I evaluate my feelings. Please keep this between us na lang."

"Sure ka?" Nadinig ko naman pero nagtanong pa din ako. Tumango siya.

Hindi ko alam kung paano hahalik na hindi naman ako lalabas na manyakis, excited, nagmamadali o maingit. Hahawakan ko ba siya? Ang mukha niya? May konti bang kagat o mild? I want it to be special. Iyong comfortable siya and maramdaman na mahal ko siya. Bahala na. Pumikit na lamang ako at nagdikit na nga aming mga labi. It went natural. Hindi mapalabok. Kakaiba sa pakiramdam. And I hope the feeling is mutual. When you kiss someone you love, it will always be special kahit may kalabaw pang kaharap.

Nagreply ako sa text ni Magie. Tapos ay binuksan ko na din ang message ng mga kasamahan ko sa opisina at ni Ermat. Napangiti naman ako. Alam na nila agad.

Lumabas ako ng kwarto at naghanap agad ng tubig na maiinom.

"Kuya congrats!" sigaw ni bunso. "Sa wakas may girlfriend ka na daw."

Tumunog ang cellphone ko. "How's your sleep, baby?" si Magie.

-wakas-

Kandila

$
0
0
Upos na ang huling kandilang itinirik ko sa vigil room bago ako tuluyang umalis sa simbahan ng Baclaran. Unang beses ko iyong sinubukan at hindi ko akalaing magagawa ko. Pagtapos kumain bigla na lamang pumasok sa isip kong dumaan at magtirik ng kandila. Hindi ako humiling, nagdasal, humingi ng tawad o nagpasalamat. Tila naglalaro lamang ako habang tinitiis ang init ng paligid.

Paglabas ko ng simbahan saka ko naunawaan kung bakit ako tumagal sa loob sa kabila ang init ng paligid. Hindi lamang higit sa isang daan ang naglalarong apoy kaya hindi nakapagtatakang pagpawisan ako. Ilang taon na din pala akong naglalaro sa apoy at niyakap ang init na dala nito. Batid kong unti-unting nasusunog ang binuo kong masayang pamilya dahil sa pagkalibang na hatid ng apoy.



Nag-aabang na ako ng bus nang biglang may nilipad na papel sa aking harap. Nakakaengganyo ang nakasulat kaya hindi ako nagdalawang isip damputin. Hindi ito nag-aalok ng pagyaman, pangingibang bansa, trabaho, produkto o pagpapautang. Nakaimprenta dito ang salitang "ALAM KONG MAY PROBLEMA KA." Pagdampot ko ng papel isang lalaki ang nakangiting umalis matapos makitang pinulot ko ang papel.

"7th Street, Sto Nino, Paranaque. Magtanong sa eksperto." pabulong kong pagbasa. Psychologist siguro. Wala man lang ibang detalye.

Para akong na-hipnotized na sumunod sa nakasulat sa papel. Wala man lang akong idea kung ano ba ang pupuntahan ko. Sumakay ako ng byaheng Sucat at bumaba sa may Duty Free matapos ay sumakay sa tricycle papunta sa 7th Street ng Sto Nino. Ang malaking talang pula ang naging palatandaan ng bahay na aking dapat pasukin.

"Pasok ka," anyaya ng babaeng nakapwesto sa may pintuan. "Hinihintay ka na niya."

Naguluhan ako sa sinabi ng babae. Nakapagtatakang may naghihintay na sa aking pagdating. Madilim ang paligid at ang nag-iisang kandila ang nabibigay ng liwanag sa kabahayan. Inaasahan kong isang manghuhula ang sasalubong sa akin. Taliwas sa inaasahan kong psychologist. Mahina na siguro ang kita kaya gumawa na din ng gimik at ako ang minalas na biktima.

"Humina na ba ang inyong pananampalataya kaya itinulak ka dito ng iyong kapalaran?" wika ng lalaking hindi nagpapakita ng mukha. Hindi man lang nito nakuhang humarap sa akin at magpakilala. Nanatili itong nakatalikod habang nagsasalita.

Walang sinuman ang pwedeng kumuwestyon ng aking pananamplataya. Wala ng karapat-dapat maging santo sa panahon ito. "Isang pagkakamali lamang ang pagpunta ko dito." sagot ko sa lalaki.

"Kung isa man itong pagkakamali, dinala ka dito ng iyong problema. Nasa simbahan ka na pero pinili mo pa ding pumunta dito." Hahanga na sana ako dahil nahulaan niyang galing ako ng simbahan pero naalala kong may isang lalaking nakangiti kanina. Marahil kasabwat ang lalaki at sa Baclaran lamang ipinamimigay ang papel. "Magkasalungat ang pwersa sa simbahan at dito pero kapwa nangangailangan ng pananampalataya."

"Aalis na po ako. Pasensya na po." Hindi ko nagustuhan ang ginagawa niyang pakikialam sa aking pagkatao na parang alam niyang lahat.

Naglakad na ako palabas nang biglang tumayo ang lalaki. "May problema ka sa pag-ibig. Nasisira na ang iyong pamilya at hindi maalis sa sistema mo ang iyong kalaguyo." Natigilan ako. "Lahat ng pumunta dito ay may problema. Lahat hindi nakangiti. Puno ng galit, inggit, lungkot at pagdurusa. Ang kwartong itong ang simbolo ng lahat ng iyon."

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi ng mga kilos mo. Bibigyan kita ng limang minuto para mag-iisip. Maaring mong lisanin ang lugar na ito o manatili."

Hindi ko na tinapos ang limang minuto at agad akong nagdesisyon. Tila mapang-akit ang mga salita ng lalaki. Walang nakakaalam ng aking sitwasyon. "Pipiliin kong manatili. Anong kailangan kong gawin?"

"Ilagay mo sa kahong ito ang bagay o gamit na galing sa taong nais mong manatili sa buhay mo." Hinubad ko ang aking relo at inilagay sa kahon. "Tandaan mo ang desisyon mo ay pinal na at hindi na pwedeng bawiin."

"Nakapili na po ako."

"Pumikit ka at humiling sa kahon. Maging maingat sa iyong kahilingan."

"Anong sunod kong gagawin?"

"Maari ka ng umuwi. Paggising mo bukas ng umaga mawawala na ng iyong problema." Pumasok na ng kwarto ang lalaki at agad nitong isinara ang pinto. Naloko na. Ang relo ko ang naging kabayaran sa aming usapan. Naisahan nga yata ako.

Sinalubong ako ni Raisa ng mainit na halik pagpasok ko ng apartment. Naglaro ang kanyang kamay sa aking dibdib at mapanuksong inalis ang butones ng aking polo. Habang akong tila bampirang uhaw sa dugo at malayang naglaro sa kanyang leeg. Dama ko ang hubog ng kanyang katawan. Napapaliyad siya sa tuwing magpapakawala ako ng mainit na hininga. Tila kami ay mga ulol na hayop sa tuwing magdidikit ang aming katawan. Ang malakas na ulan sa labas ang naging musika sa isang tagpo ng kataksilan.

"Hello?" Isang tawag sa telepono ang gumising sa akin.

"Papa, bakit hindi ka na naman umuwi?" tanong ni Jacob.

"May tinapos lamang sa opisina. Mamaya uuwi na ako."

"Anak mo?" tanong ni Raisa. "Hanggang kailan mo ako itatago, Albert?"

"Kumukuha lamang ako ng tyempo. Hindi pwedeng biglain ang bata."

"Bata? O si Chana?"

"Raisa... Napag-usapan na natin ito, okay? In fact, alam na ni Chana na wala na akong nararamdaman sa kanya."

"Mabuti ng malinaw. Nasaan ang binigay ko sa iyong relo?"

Biglang pumasok sa isip ko ng lalaking nakaisa sa akin. "Nabasag. Pinapagawa ko."

"Nabasag? O naiwan mo sa bahay ng asawa mo?"


Biglang tumunog muli ang aking phone. "Teka.." Naglakada ako palayo kay Raisa para maiwasan ang pagtatalo. "Hello. Jacob, pauwi na ako.."

"Papa, si Mama." Garalgal ang boses niya ... Papa.. Umuwi ka na. Mamaaa.. Paapaaaaaaaaaaa..."

"Bang!" Isang putok ang nadinig ko sa loob.

"Calm down, Jacob. Calm down. Anong nangyari?! Anong nangyari!!"

"Pinauuwi ka na ng anak natin, Albert."

"Bang!"

"Chana! Anong ginawa mo?! Chana!"

Wala na akong dinatnang buhay pag-uwi ko ng bahay. Umiiyak ako pero wala ng luhang tumutulo. Walang boses na kumakawala. Ito ba kapalit ng hiniling kong kalayaan? Dahil pinili ko si Raisa mawawala na si Chana at Jacob? Ito ba ang sinabi ng matandang pinal na at hindi ko na maaring buguhin o bawiin? Kamatayan ba ang sagot sa problema?

Bumalik ako ng 7th Street matapos ang libing. Gusto kong magreklamo sa mga bagay na hind dapat nangyari. Hindi kamatayan ang gusto ko. Subalit nakakandado na ang gate pagbalik ko.

"Excuse me po, nasaan na po ang dating nakatira dito?" tanong ko sa babaeng dumaan.

"Ah, umalis na po. Wala na po kasi ang perya. Isa din po ba kayo sa naloko ng matanda?"

Pumunta ako ng Baclaran at nagtirik ng kandila. Nagdasal ako, humingi ng tawad at nagsisisi. Umalis ako na hindi man lang sinindihan ang kandila. Hindi na ako naakit sa apoy.

-wakas-



Isang Kwento sa Tayuman

$
0
0
Hindi nalalayo ang kulay ng sout kong Polo Shirt sa mga crew ng Chowking sa Tayuman. Kung mananatili akong nakatayo maaring may bigla na lamang mag-utos sa akin na kumuha ng tubig. Kung hindi lamang dito kami magkikita ni misis malamang ay humanap ako ng ibang kakainan.

Maaga ako ng kalahating oras sa pinag-usapan namin. Kabilin-bilinan niyang huwag akong pahuhuli ng oras dahil ipapakilala n'ya ako sa mga kaibagan sa trabaho. Balak na naman ipakilatis ang aking itsura at pagkatao sa kanyang circle of friends na sa palagay ko ay hindi magkakainteres makilala ako dahil kahit sa telepono ay walang ibang pinag-usapan kundi make-up at damit na isusuot.



Naghanap ako ng komportableng pwesto na malayo sa pinto at hindi masyadong maingay. Habang wala pa ang mga ladies ay maari ko pang malamang kung ano ba ang interesante kay Christian Grey para kahumalingan gayong isa lamang itong fictional character. In short, laman ng pantasya ng mga babae. Bubuksan ko pa lamang ang librong ipinadala ni misis nang mapansin ko ang dingding ng Chowking. Nakakatuwang may pakulong Freedom Wall ang fastfood. Samu't saring wish, pagbati, pag-amin ng pagmamahal, paghingi ng tawad at meron din namang may maisulat lang. Napaisip tuloy ako ng pwedeng isulat. Gusto ko tuloy humiling.

Matagal ko ng hiling ang magkaroon ng anak. Madalas ngang usapan ang kalagayan ko. May pagkakataon na nagiging kutuwaan na nga. Baka daw pundido kaya dapat daw required na ang testing bago ikasal. May suggestion pa nga na gawin daw namin habang nasa ibang bahay o habang umaattend ng okasyon para may adrenalin rush. Mabisa daw iyon kaya nga madaming nabubuntis na kabataan dahil sa adrenalin rush.

Palapit na ako sa freedom wall nang biglang may lumapit ditong babae. Kinuha ang pentel pen na nakatali sa may gilid ng board at sinimulang sumulat. May karga siyang batang babae habang nagsusulat ng kanyang nobela. Hindi ko man lamang nakitang umaangat ang pentel pen upang makapag-isip. Balak pa yatang ubusan ako ng space o kaya naman ay umabot sa pagkatuyo ng tinta.

Naghintay ako ng pagkakataon. Hinintay ko siyang matapos pero mas nauna pang mapuno ang pantog ko. Patakbo akong naghanap ng CR.

"Excuse me, pahingi naman ng tissue," wika ng babae.

Napalingon ako pero wala akong kasunod. Tissue? Panyo lang ang meron ako. Bakit sakin siya hihingi at hindi sa crew? "Sir tissue daw, sigaw ko sa pinakamalapit na crew."

"Oh sorry! I thought.." despensa n'ya habang kinukuskos ang mata. Ngumiti lang ako bago tuluyang pumasok sa CR. Bad trip talaga ang suot. Nakalimutang kong kakulay nga pala. Umiiyak siya?

"Ano kaya nangyari?" pagtataka ko.

Bigla akong nacurious sa sinulat niya sa freedom wall. Pagkalabas ko ng CR ay agad kong binalikan ang kanyang nobela. Wala din ang babae sa loob.

"Lord, Please give me the courage to be strong for my child. I would give up anything in this world just to be with her. Just need more time po. Please. Just this one request God. Save her please. I know ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. I almost lost her kaya I don't want it to happen again. Thankful ako dahil napigilan akong ipalaglag siya before. Alam kong mali ang ginawa ko pero pinagsisihan ko na. Natakot lang ako noon kasi iniwan ako at walang kakampi. Buti na lang may Ate ako. She was right, my baby is a blessing not a burden. She is lovely, inteligent and very sweet. Give her strength oh Lord. Her heart is weak. Heal her Lord. Please. Naawa ako sa kanya dahil sinalo niya ang kasalanan ko. Sorry baby. Sorry baby. Sorry."


"Edward!" Hindi ko na nabasa ang mga sumunod na paragraph. Muntik ng bumagsak ang luha buti na lamang dumating ang misis ko. "Ano naman ginawa mo d'yan?"

"Wala. Natatawa lamang ako sa mga nakasulat."

"Ara meet my husband."

"Nice to meet you," bati ko.

Ngumiti lamang si Ara. Baka busog. "Edward, plan ni Ara magresign para magfull time mom. Mahirap pero kaya na naman daw mag-adjust. She is asking my opinion sa tingin mo okay ba ang ganun? Considering malaking part ng family income ay mawawala."

Sa tono ng usapan mukhang may tinutumbok si misis. Mukhang lalaki ng bill sa telepono, tataas ang kuryente at dadami ang libro sa bahay. Malamang gayahin ng misis ko ang kaibigan niyang halos kasing laki ng aming ref. Tumango lamang ako at pilit binasa ang mga natitirang salita sa freedom wall na sinulat ng babae kanina.


Being a mother doesn't end after giving birth nor after a dozen of grandkids running around you... It's a lifetime title.
It's when you still care for your kids...
Still get mad at them from time to time...
Still scold them...
But still love them eternally.
No one can give love like a mother can.. Gusto kong maranasan lahat iyon.

"Edward?! Nakikining ka ba?" bulyaw ni misis.

"No one can give love like a mother can..." wika ko.

Ngumiti si misis. "May punto ang asawa ko Ara. Tama ang desisyon mo na magresign para matutukan ang anak mo dahil wala talagang katulad ang pagmamahal ng isang ina. Kung ako ay may anak hindi ako magdadalawang isip."

Yari.

-end-

Viewing all 63 articles
Browse latest View live